Chapter 12

1239 Words
Naloloka ako sa mga rebelasyon ni Bryan.   "Sweetie, nagseselos ka ba?" Ano raw? Ako? Nagseselos?   "Gaga hindi! Masaya lang ako dahil inspired ka." Totoo naman!   "Akala ko..." sabay tawa niya.   "Alam mo Bryan, feel ko may gusto sa'yo yang si Raven na 'yan." Pagtataya ko.   "Paano mo naman nasabi? Dahil ba hinalikan niya ako sa noo?" Ang nega nega naman ng baklang to! Siya nga nga binibigyan ng pag-asa!   "Oo bakla pero isang factor lang yun. Tingnan mo, bakit siya magpapasama sa'yo sa mall kung marami naman siyang ibang makakasama na straight sa team niyo? Of all his teammates, ikaw yung napili niya. At bakit niya hahabulin yung magnanakaw para kunin yung cellphone mo? Yung ibang tao sasabihin na bili ka na lang ng bago at bakit ikaw ang papipiliin niya kung anong bagay na sapatos sa kanya di ba? At bakit siya gagastos ng pagka-laking halaga sa isang restaurant na bakla ang kasama niya? Hindi kita pinapaasa pero bakit ganoon ang ginagawa niya sa'yo diba?" May possibility talaga na may gusto si Raven kay Bryan pero hindi lang niya ito masabi sa kanya.   "Sabagay, may point ang mga pinagsasabi mo." Naging tahimik ang kwarto ko dahil walang nagsasalita sa amin.   "Sweetie." Pambasag niya ng katahimikan.   "Ano?" Maikling tugon ko.   "May naisip akong paraan para malaman natin kung may gusto talaga sa akin ang crush ko." Umaliwalas ang mood niya.   "Ano naman yun?" Ano naman ang naisip ng baklang to na uhaw magka-lovelife?   "Sa second sem, pagselosin natin siya. Kunwari nililigawan kita at lagi kang manonood ng mga training namin at ihahatid kita pauwi." Sabi na nga ba at desperadong malaman niya ang katotohanan.   "Libre ka naman sa pamasahe diba?" Sabagay at may point itong si Bryan.   "Sige pero one week lang at pag walang nangyari, itigil na natin." Papayag ako para sa free fare!   "Deal." Tapos nagkamayan kami.   Halos mag-gagabi na at napagdesisyonan niyang umuwi na. Hinatid ko naman siya hanggang sa gate at nag-beso pa kami. Ay bongga ito! Pagkaalis ni Bryan kaagad naman akong bumalik sa kwarto ko. Tinabi ko yung mga pinamili niya na kaunti lang ang nabawas dahil ang dami dami niyang naikwento sa akin. Bukod pa raw noong gabing hinalikan sa noo si Bryan, tatlong araw daw silang lumalabas at kung saan saan pumunta. Feel ko talaga na sila yung perfect couple na gay. Well, kahit ano pang gender preference ang meron ka, ang pinakaimportante ay yung puso mo. Walang sinuman ang makakapigil sa pagmamahalan ng dalawang tao kahit ano ang kanilang edad, lahi, kulay, at kasarian. Hindi mahalaga ang lahat ng yun dahil karapatan nating magmahal. Karapatan ng bawat tao ang maging masaya sa buhay pag-ibig nila dahil at the end of the day, pinakamahalaga ay ang pagiging masaya sa mga ginagawa mo.   Ako, masaya ako na masaya at inspirado ang aking mga kaibigan. It somehow gives me strength to pursue happiness and live the life to the greatest extent. Kaya mga momshie, piliin niyo ang mga bagay na nakapagpapasaya sa inyo at huwag kayong pipili ng mga bagay na maari niyong pagsisihan sa huli. Despite all the odds, choose to take all the risks. I'm sure, it will be all worth it. Kaya nga tinawag tayong gay, ibig sabihin masaya, maligaya, cheerful, naka-smile parati at aura ka kapag may nakitang lulu! Kapag andiyan na, tapusin na agad ang laban.   Nasasaktan tayo at pinagsisisihan natin ang mga ginawang desisyon natin sa buhay dahil iniisip natin ang sasabihin ng ibang tao. Huwag natin silang isipin dahil hindi naman sila ang umiibig at nakakaramdam ng sakit na pinagdaraanan natin. Nakaka-hassle lang at saka hindi naman ako nagmamadali. Masaya ako sa usbong ng lovelife ng aking mga kaibigan at wala namang problema kung wala akong jowa.   Pagkahiga ko sa aking kama, sakto namang narinig ko ang busina ng sasakyan ni Calum. Inihatid niya na sa wakas si Liza. Ano kayang ginawa nila? Bata? Charot! Hindi na ako nag-abala pang batiin siya dahil pagod na ako sa mga kwento kanina ni Bryan. Bigla naman niyang kinabog ang pintuan sa kwarto ko. Ano bang kailangan niya? I'm so tired na kaya!   "Hindi yan naka-lock." Pagkasabi ko nun, agad niyang binuksan ang pinto. Hingal na hingal ang babaeng ito! Sabi na nga ba at may ginawa silang kababalaghan ni Calum. Charot!   "Ano bang kailangan mo? At bakit parang ang haggard mo?" Pambungad na tanong ko.   "Wala. Mamaya na lang ako mage-explain. Mag-impake ka na ng damit mo." Ha? Papalayasin na ba kami rito? Wala naman kaming utang.   "Bakit naman? Pinapalayas na ba tayo?" Ang naguguluhang pagtatanong ko sa kanya.   "Hindi! Mag-impake ka dahil pupunta tayo sa Tagaytay." Ano raw? Tama ba narinig ko?   "Ano gagawin natin doon?" Biglang huminga nang malalim si Liza at bumuga ng mabahong hangin.   "Magbabakasyon tayo. Wala nang tanong tanong at mag-impake na tayo dalian mo!" Sabay walkout at punta niya sa kanyang silid. Na-shock naman ako mga momshie! Tagaytay yan mga bakla! Kaya nag-impake na ako ng aking mga damit na good for three days. Pagkatapos naming kumuha ng mga damit at gamit, sumakay na kami sa sasakyan ni Calum. Syempre sa likuran ako! Third wheel kasi ako!   "May kasama pa ba tayo?" Ang tanong ko.   "Susunod si Bryan bukas dahil may aasikasuhin pa raw siya." Sagot naman ni Liza. Baka inaayos niya yung lovelife niya. Charot!   "Pinayagan ba tayo ng mga magulang natin?" Baka patayin ako ni mama pagkauwi." Nagwo-worry ako na baka magalit si mama sa akin at hindi na ako bigyan ng pandagdag allowance ko. Mahirap din yun mga momshie!   "Ipinag-paalam na kita kay Tita." Napanatag ako nang sabihin iyon sa akin ni Liza.   "Ilang araw tayo doon?" Follow up question ko.   "Tatlong araw at dalawang gabi. Wag na masyadong matanong." Inisnaban ko na lamang ang babaeng umuusbong ang lovelife at natulog na lamang ako buhat sa aking kapaguran.   Pasado alas tres na ng madaling araw nang ako'y magising dahil nandito na raw kami sa hotel na tutuluyan namin. Libre daw ito ng nanay ni Calum dahil malaki raw ang kinita nila doon sa business ng pamilya nila. Ewan ko ba! Dalawang rooms ang kinuha namin at katabi ko raw si Bryan doon sa isa. Silang dalawa naman, doon sila sa isang room. Tiwala naman ako kay Calum na hindi niya bubuntisin ang aking baliw na kaibigan kahit alam kong malamig sa Tagaytay. Charing! May prinsipyo naman ang babaeng yun kung kaya't alam kong hindi muna yun mangyayari dahil hindi niya hahayaan na mabuntis siya nang maaga. Ay teka, bakit napunta tayo sa buntisan na yan? Erase! Kaagad kong inilagayndoon sa sulok ang aking bag na naglalaman ng mga damit at humilata ako doon sa kama na medyo malaki. Napaka-lambot ng kamang iyon dahilan para makatulog ako nang mahimbing.   Nang sumunod na araw, pasado alas diyes na noong ako'y bumangon. May pagkain na doon sa table at may note na naglalaman ng sulat mula kay Liza na kumain na raw ako dahil aalis daw kami mamaya. Nakita ko rin na naroon na ang bag ni Bryan at paniguradong lumabas lang yun para umaura. Nang matapos na ako sa aking brunch, kaagad na ako'y naligo at nagbihis. Hinihintay na pala ako ng tatlo doon sa lobby.   "Pa-VIP ang lola niyo." Ang sabi ni Liza. Uupakan ko na talaga ang babaeng to! Sumakay na ako sa sasakyan ni Bryan at si Liza naman ay doon kay Calum. Habang nasa byahe, hinawakan ang kamay ko ni Bryan at huminga nang malalim.   "We fought."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD