Chapter 11

1298 Words
Sa wakas at natapos na ang Final Exams at Intramurals and guess what? Pumasa sa 1st semester si Calum at nanalo pa sila sa laro. Ang saya saya niya dahil sa wakas, papayagan nang manligaw ni Liza ang binata. Excited ang babae dahil ipinakilala niya ito sa kanyang mga magulang. Bakasyon na sa wakas at makakahinga na akong nang maluwang; ang trabaho ko naman ngayon ang aasikasuhin dahil tatapusin ko lang ang Grade 11 at magre-resign na ako. Sinabihan kasi ako nina nanay na itigil na yung pagiging working student ko dahil ayaw daw nila akong nakikitang nahihirapan at pinayagan naman nila akong mag-stay sa apartment at sila na raw ang magbabayad ng renta.   Medyo nalungkot ako kasi hindi ko na makakasama si Liza sa trabaho sapagkat magiging full time student ako next school year. Para rin kasing nakakaloka na magiging boring ang buhay kung wala akong masyadong ginagawa. Nakasanayan ko na ang magtrabaho ng ilang oras at makakilala ng mga taong may iba't-ibang kwento sa buhay. Momshie! Ipaglalaban ko ang karapatan kong magtrabaho. Charot! Nasa kwarto lang ako at nag-iisip ng kung ano ano. Umalis at nag-date ang dalawa sa hindi ko alam na place dahil hindi nila ito nabanggit sa akin. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at tumatawag pala si Bryan. Nanalo pala sila sa volleyball noong intrams.   "Hello?" Ang sabi ko.   "Hey sweetie, guess who kung sino ang inspired ngayon?" Huh? Sino naman?   "Sino?" Ang tanong ko sa kabilang linya.   "Syempre yung kausap mo ngayon." Ano? Inspired si Bryan? Bakit? Kanino?   "Bilis mag-move on ni bakla! Sino naman ang malas na lalaking yun?" Natawa ako sa pang-aasar ko sa kanya mga bente!   "Kilala mo ba si Raven? Yung ka-team ko sa volleyball? Siya yun! Crush ko siya!" Kinikilig si Bryan na halatang halata sa boses niya.   "Si Raven? Kasama ko siya ngayon at naka loudspeaker ang phone ko." Bigla naman siyang natahimik.   "Totoo?" Sabay tawa ko nang malakas.   "Gaga! Joke lang! Nasa bahay ako as if namang ka-close ko siya!" Patuloy ang halakhak ko dahil for sure namutla at nahiya ang baklang yun.   "Fine. I'll be there in 5." Nawala ang ngiti ko sa labi. Seryoso ba siya?   "Dala ka pagkain." Demanding ako ngayon.   "Alam ko naman na pagkain ang ipapadala mo kung pupunta ako diyan." Bigla naman siyang tumawa nang nakakaloko.   "Pizza, fries, tsaka burger." Ani ko.   "Kaya ka tumataba!" Seryoso? Stress na stress na nga ako at sabi ng nakararami, super payat ko raw ngayon.   "Sexy ang tawag sa akin." Charot!   "Wala ka na bang pabibili? Ikaw ang magbayad sa pizza." Hell no!   "Wala na at baka magkautang pa ako sa'yo. At saka, nakabukas yung gate at kumatok ka sa pinto kapag nandiritp ka na." Tsaka ko binaba ang linya.   Hindi tumagal at may kumatok sa pinto. Agad ko naman itong binuksan at kitang-kita ko ang bagong gupit na si Bryan.   "Nagpagupit ang gaga." Pang-aasar ko.   "Syempre naka-get over na ako sa'yo." Sabay tawa namin nang malakas. Bitbit niya ang mga pinabili kong pagkain at may dagdag pang chocolates.   "Bakit ka pala naparito?" Ang paninimula ko ng chismisan.   "Ayaw mo ba?" Nagtampo naman ang gaga!   "Syempre gusto ko! Dapat nagpapahinga ka ngayon." I care for him syempre.   "Gusto kong makipag-chismisan sa'yo tungkol kay Papa Raven ko!" Sabay tumili nang malakas ang gaga. Todo ladlad na talaga itong si Bryan, kinabog pa ako! Lalaki pa rin naman siyang manamit pero halata na ang mga kembot at pilantik niya.   "Sige girl, mag-kwento ka kung paano nag-umpisa ang not-so-love story niyo." Sabay ngiti ko sa kanya.   "Ganito kasi, noong sumali ako sa volleyball team ay hindi ko naman talaga siya pinapansin noon dahil nga may feelings ako sa'yo. And then, noong nalaman ko yung totoo, naglaro ako nang naglaro at ginawa ko na yung training para sa intrams tapos inapproach niya ako dahil gusto niyang mapatulong sa akin na bumili ng bagong sapatos niya. Pumayag naman ako kasi bibili rin ako ng bag ko sa mall kaya sabay kaming nag-commute at pumunta sa mall. Pagkababa namin, hinablot yung cellphone ko ng isang magnanakaw at hinabol naman yun ni Baby Raven ko pero hindi niya alam na sinundan ko rin siya sa pagtakbo at noong nakuha na niya yung cellphone ko, saktong nasa likuran niya lang ako at naitulak  niya ako dahilan para bumagsak ako at syempre, bumagsak din siya at pumaibabaw siya sa akin. Nagkatitigan kami siguro ng five seconds bago niya ma-realize na nasa tabing daan kami at nahiya siya." Sabay tili ni bakla. Ano ba yan! Ang ingay naman niya.   "Tapos?" Ang tanong ko sa kanya.   "Tapos, tumayo na kami at ibinigay na niya yung cellphone ko. Nagpa-thank you ako at naglakad na kami patungo doon sa entrance ng mall. Una, bumili muna siya ng sapatos niya at ako ang pumili kung ano ang bagay sa kanya. Doon na rin ako bumili ng bag na napili niya para sa akin. Nag-insist siya na bayaran yung bag na napili niya para sa akin at syempre nagpa-bebe muna ako at kunwaring nahiya dahil nga siya yung nagbayad. Niyaya niya rin akong kumain muna doon sa isang restaurant at siya rin yung nagbayad. Batid kong mahal dun. Sobrang hiyang hiya na ako noon dahil siya lahat yung gumastos. Habang kumakain kami, nag-kwentuhan kami tungkol sa sarili namin. Sabi ko, bakla ako at hindi naman siya nabigla dahil daw halata sa kilos ko ang pagiging shokla ko. Siya naman daw, single since birth dahil wala pa raw siyang nakikitang tamang babae para sa kanya." Bigla naman siyang nalungkot.   "Bakit ka malungkot ngayon?" Ang concern kong tanong.   "Syempre wala akong chance sa kanya dahil babae yung hanap niya." Lumukot ang kanyang mukha dahil doon.   "Naku bakla, wag ka mawalan ng pag-asa." Ang bigla kong sagot sa kanya.   "Bakit naman?" Nagtataka siya sa sinabi ko.   "Baka kasi may chance na beki rin siya dahil wala pa siyang nagiging girlfriend and look, hindi siya na-awkward sa'yo kahit pa alam niyang beki ka. So girl, magpa-impress ka kay Raven. Akitin mo siya at kung maaari, pikutin mo." Sabay kaming tumawa dahil doon sa sinabi kong pikutin niya si Raven.   "Alam mo Lloyd, tama ka rin at may point yang sinabi mo." Bumalik ang mga ngiti sa kanyang labi.   "Basta magpaganda ka. Ituloy mo na yung kwento mo." Ang suhestiyon ko sa kanya.   "Pagkatapos naming kumain sa restaurant, naglibot libot muna kami sa mall at ako naman yung nanlibre sa kanya ng ice cream. Habang naglalakad, kinakain namin yung ice cream at napunta kami sa bookstore. Tumingin tingin kami ng mga libro at syempre pumunta ako doon sa gay section at siya naman, tumingin siya banda doon sa mga novels. Wala kaming binili at nagdesisyon na umuwi na lang. Nabigla namana ko at naka-park na yung kotse niya doon sa parking lot. Inutusan niya raw yung driver nila at sinabihan akong ihahatid niya ako sa bahay namin. Hindi na ako nakatanggi kasi that time, pina-repair ko yung sasakyan ko at commute mode lang ako kapag pumapasok sa school. Tinuro ko naman yung ruta papunta sa bahay namin at pagkarating doon, bumaba siya sa kotse at binuksan niya yung pinto para sa akin." Kinikilig na naman ang baklang ito at naka-ngisi nang bongga.   "Yun lang?" Bitin ako sa kwento niya!   "Hindi pa. Wag ka maingay ha?" Hala! Anong di ako maingay?   "Sige sige" ani ko.   "Nang makababa na ako ng kotse niya, niyakap niya ako at sinabihan ako ng thank you dahil daw sinamahan ko siya. Kumalas siya sa yakap at bigla niya akong hinalikan sa noo." Sabay kaming tumili ni Bryan dahil sa kilig! Tawang tawa kami pagkatapos.   "Sinabihan niya ako na mag-ingat ako at sumakay na siya sa kotse niya. Naramdaman ko yung mga paru paro sa tiyan ko after niya akong i-kiss sa noo feeling ko ang ganda ganda ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD