Chapter 9

1183 Words
"Go on." Ang tugon ni Bryan sa akin.   "About kasi sa ano... ummmm" kinakabahan talaga ako!   "What? Dali wag kang mahiya." s**t naman! Sasaktan ko ba itong gwapong to?   "Tungkol kasi doon sa feelings mo sa akin." Ang pagsisimula ko.   "Do you like me also?" Ano raw?   "Hindi." Ang maikling sagot ko. At nawala ang ngiti sa kanyang labi.   "Sorry Bryan pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. You are so kind na hindi ko dapat sinasaktan pero ayokong lokohin ang sarili ko." Ang paliwanag ko. s**t! Sinabi ko ba talaga yun? Wag naman sana niya akong kamuhian.   "It's okay, Lloyd. I expected your answer. Don't worry, I'm not mad." Nang marinig ko ang kanyang mga tinuran, nawala ang bigat sa aking dibdib. Nagpapasalamat pa rin ako dahil understanding siya.   "But, may I have one request?" Nagulat ako nang sinabi niya yun. Ano naman kaya yun?   "What is it?" Ang aking tugon.   "Can I call you Sweetie for the rest of our lives?" Wait, tama ba narinig ko? Tatawagin niya akong "sweetie" habangbuhay?   "Walang malisya." Dagdag pa niya. Hindi naman siguro masama yun mga momshie diba?   "Sige. Payag ako." At ngumiti ulit ang gago. Buti naman at hindi siya nagalit sa mga sinabi ko sa kanya. May kapalit nga lang. Dali dali naman siyang tumayo at niyakap niya ako nang mahigpit.   "Thank you, sweetie." Sinabi niya yan habang yakap pa rin ako.   "Wala yun. Review na tayo." Nahimasmasan na siguro kaya bumalik na siya sa pwesto niya kanina. Sabay kaming nag-review buong araw at ipinagluto pa niya ako ng tanghalian. Di lang pala siya player, magaling din siyang magluto. Sabay din kaming kumain at walang awkwardness na naganap.   I am very sure na makikilala niya rin ang tamang taong magmamahal sa kanya at mamahalin niya pabalik. Hindi naman imposible yun dahil si Bryan ay isang napakabait na tao, masipag, pursigidong mag-aral, at may pangarap sa buhay. Bonus na lang yung pagiging pogi at macho niya. He is a perfect man and he has his own vision and priciples in life. For sure, maraming babae o bading ang magkakandarapa sa kanya pwere na lang ako. Hahaha!   Nang lumipas ang oras at gumabi na, nagpaalam na si Bryan sa akin at uuwi na. Hinatid ko na lamang siya hanggang gate at niyakap ko siya bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng ginawa niya para mapasaya ako. Yung yakap na yun ay parang simbolo na rin ng aming bagong simula. Yugto na kung saan haharapin namin ang lahat bilang magkaibigan. Nang makasakay siya sa kanyang sasakyan, agad na akong pumasok sa loob ng apartment at itinuloy ang aking pag-aaral.   Mag-aalas diyes na nang napagdesisyonan kong matulog na nang biglang bumukas ang pinto. Sa wakas at nakauwi na rin ang babaeng to. Akala ko ay makikitulog siya kina Calum.   "Buti at umuwi ka pa?" Ang pagtataray ko kay Liza.   "Syempre naman dito ako nakatira." Ang sagot naman niya.   "Kumain ka na ba?" Ani ko sa kanya.   "Oo. Busog na ako. Pinagluto ako ng mama ni Calum." Ang swerte naman ng babaeng to!   "Ikaw, bakla?" Tanong niya.   "Oo." Maikling sagot ko dahil gusto ko na matulog.   "Nasabi mo ba sa kanya yung totoo?" Intrigera din itong baklang to e!   "Oo pero hindi naman siya nagalit. Tulog na ako. Pagod na kasi ako." Magta-trabaho kasi ako bukas. Pagka-uwi ko siguro, itutuloy ko ang aking pagre-review para sa exams.     Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda para sa aking trabaho gayundin si Liza na tinatamad-tamad pa habang bumabangon. Kumain muna kami ng carbonara na dinala niya galing daw sa mama ni Calum. Diba? Siya na ang bet ng mama niya! Ang swerte ni Liza.   "Anong ginawa niyo kahapon?" Nagulat ako sa tanong niya.   "Review lang tapos inamin ko sa kanya yung totoo pero hindi naman siya nagalit at sabay kaming nag-lunch kasi pinagluto niya ako tapos balik review." Ang sabi ko. Ayoko na idetalye ang lahat dahil wala na ring sense yun.   "You mean, ipinagluto ka niya?" Ang pagtatakang tanong ng babaeng to.   "Oo. Bakit?" Ano bang big deal doon?   "Besh! Hindi mo ba alam? Nag-aaral magluto si Bryan para sa'yo kaso nga lang binasted mo." Tama ba dinig ko? Grabe naman pala si Bryan kung magmahal!   "Nabanggit kasi sa akin ni Calum na yun ang pinagkakaabalahan niya mula pa noong pasukan." Pagdadagdag pa niya.   "Paano naman niya yun ginawa? I mean, bakit pa niya kailangang matuto?" Gusto kong maliwanagan.   "Wag ka magalit besh ha? Pero kasi kinuntsaba niya ako at pinagtanong-tanong niya sa akin kung ano ang mga hilig mo. Sinabi ko gustong-gusto kong kumain na halata naman sa body mo." Sabay tawa ni Liza. So, ganun pala? Pwes, sasabihin ko lahat ng bulok niya sa kanyang manliligaw!   "How could you!" Ang tanging nasabi ko na lang.   "Wait Liza, bakit naman niya ako nagustuhan? Diba lalaki siya?" Ang isa pang tanong na bumabagabag sa aking isipan magmula pa noon.   "Ang sabi rin sa akin ni Calum, bakla na talaga siya simula pa noong bata siya pero hindi daw niya ito pinansin. Bagkus, ay nagpa-yummy pa siya at naglaro ng maraming sports." So paminta ganern? Charot!   "Hindi rin siya nagkagusto sa lalake hanggang nakita ka raw niya noong first day." Ay ganon? Ang ganda ko naman pala! Hahaha hindi lang halata.   "Okay, gets ko na. Ano naman ginawa niyo kahapon ni Calum?" Ang pag-uusisa ko naman sa kanya.   "Review tapos kain tapos review ulit tapos dinner kasama ang family niya tapos hatid at hinalikan pa niya ako sa cheeks." Haba ng hair!   "Kotang-kota ka niyan!" Pang-aasar ko.   "Syempre, kiniss ko rin siya sa cheeks." Gantihan ganern?   "Una na akong maligo, ikaw na magligpit niyan." Ang utos ko kay Liza. Ang swerte naman niya. Ako kaya, kailan? Hahaha may dumating nga, pinalayas ko naman! Ako ang bakla ng taon!   Sabay kaming umalis ni Liza sa apartment at nagtungo sa aming pinagtatrabahuan na hindi naman masyadong malayo sa tinutuluyan namin. Nagpalit na kami ng aming uniporme at nagtungo na ako doon sa aking pwesto; isa akong dakilang cashier at kung minsan, naglilinis din ako ng mga pinagkainan ng mga customer. Habang si Liza, isa siyang tagaluto ng mga pagkain. Okay lang naman ang pasahod dito. Sapat na ito para mapunan ang aming pangangailangan at mabayaran ang aming tuition at renta sa bahay. Hindi ko inaasahan ang dumating. Sakto namang walang pila sa aking counter kung kaya't doon sila umorder ng pagkain. Si James at Sam ay magkasama. Baka naman nagde-date sila. Binati ko naman sila syempre ng maam at sir. Sinabi nila ang kanilang mga order at humanap ng pwesto si Sam.   "What are you doing here?" Ang tanong sa akin ni James.   "Sir, we are not allowed to state our personal life with our customers. Sorry." Totoo naman at baka mapatalsik pa ako rito. Agad din namang nakuha ni James ang kanilang order at pumunta na doon sa kinaroroonan ng kanyang kasintahan. Buti na lang at hindi ako tinarayan ni Sam. Baka magkagulo pa rito at makagawa siya ng eksena. Ano kayang pinakain ni James sa kanya? Hotdog? Charot! Ay basta! Wala akong pake at ipagpapatuloy ko ang aking trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD