May na-receive akong text galing sa unregistered number. It's from Bryan. Hindi ko kasi na-save yung number niya kasi nga diba? Naloka ako kagabi?
Thanks for today :)
Ang nakita ko sa screen. Mabait naman talaga siya kaso, hindi ko siya type. I know, wala akong karapatang maging choosy pero hindi ko talaga siya feel kahit pa nag-confess siya sa akin. Maaga kong tatapusin ang laban! Charot! Ayaw ko kasi siyang paasahin. Hindi ako ganun konti lang!
Ite-text ko na lang siya bukas ukol dito.
"Hoy! Si Bryan ba yan?" Pag-uusisa nitong Liza na to.
"Wala kang pake." Ang pagtataray ko.
"Bet mo ba siya, besh?" Ang tanong niya na medyo ikinagulat ko.
"Hindi ka ba magagalit kapag sinabi kong hindi ko siya type?" Play safe tayo mga besh!
"Alam mo besh, susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo." Naiiyak ako!
"Wag mo na lang siyang paasahin, okay?" Ang sabi niya. Like duh! Hindi ko gagawin yun sa kanya! He deserves someone better than me.
"Yan ang hindi ko gagawin." Pagkatapos nun, niyakap ko siya. I am so lucky to have her. Hindi ko alam gagawin ko kung wala siya. Corny naman!
Next week talaga, hindi ako mag-aatubiling sabihin sa kanya yung totoo. Alam kong masasaktan siya pero mas lalong masasaktan ako kapag pinaasa ko siya na may gusto rin ako sa kanya na wala naman talaga.
Kumain na lang ako ng mga prutas kasama si Liza. Parang ayokong kumain ng rice ngayon. Baka talagang wala akong gana. Malay ko! Prutas na lang at mas masustansiya pa ito kaysa sa iba. Feeling ko ngayon napakasama ko dahil iniisip ko pa lang ang gagawin ko kay Bryan, hindi na ako mapakali. Hay naku! Bahala na nga. Basta ang alam ko, gagawin ko to para sa ikakabuti ng lahat.
Maaga rin kaming natulog ni Liza dahil magre-review pa kami bukas. Wala akong gagawin bukas kung hindi ang mag-review, kumain, magpahinga, tapos matulog. I'll keep my self busy. Ayoko muna ngayon ng panibagong stress! Ayoko na may dumagdag pa! Nag-goodnight na kami ni Liza sa isa't-isa at kami ay pumunta na sa kanya-kanya naming silid.
Kinabukasan, alas syete ng umaga kami nagising. Pilit kong ginising ang tamad na babaeng to kaso ayaw talaga niyang magising. Kaya, napagpasyahan kong uminom muna ng kape at magsipilyo pagkatapos.
After ko ginawa yun, kinalkal ko na yung mga reviewers, notes, at iba ko pang mga kagamitan. Marami kasi akong napagsulatan na notebook kaya hindi ko alam kung nasaan ang tiyak na lecture namin. And after how many years, natagpuan ko na rin ang mga reviewers ko. Bigla namang may parang nahulog sa sahig. Si Liza yun for sure! Buti naman at nagising na ang gaga!
"Good Morning." Bati ko nang makalabas siya sa kanyang silid. Well, sitting pretty lang ako dito sa sala.
"Besh, sorry at hindi kita makakasamang mag-review ngayon. Inimbitahan ako ni Calum na sa kanila na lang ako mag-aral." Ang ganda naman ng bati niya sa akin pabalik! Well, naiintindihan ko naman yun.
"Sige sige. Basta mga lessons lang natin aralin mo no? Hindi yung iba." You know what I mean!
"Baliw!" Tanging sagot niya.
Pagkatapos nun, naligo at nag-ayos na ang gaga. Susunduin daw kasi siya ng manliligaw niya. May bigla namang tumawag mula doon sa gate. Si Calum na siguro yun. Syempre, tumayo ako para buksan yung gate. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga! And to a special twist of fate, kasama niya ang kanyang pinsan. Si Bryan syempre. Nagulat ako dahil hindi naman niya ako inabisuhan na darating siya. Nakapaghanda sana ako. Charing!
"Pasok kayo." Anyaya ko. Pumasok na sila at pinaupo ko sila sa sofa para hintayin ang nagbibihis na noong si Liza. Bagal talaga ng babaeng to! Kaladkarin ko nga!
"Coffee, Tubig, Juice?" Yan lang ang mayroon kami dito. Poor lang kami!
"Tubig na lang." sabi ni Calum.
Tumingin ako kay Bryan "Ano sa'yo?" Tinanong ko siya.
"You." Mabilis naman niyang sagot. Nag-ayie naman ang punyetang pinsan niya. Kaloka!
"Mag-tubig na lang kayo." Tapos nagtungo akonsa ref para kunin yung malamig na tubig. Syempre baso na rin! Ibinigay ko ito sa kanila pagkatapos at bumalik ako sa pag-aaral ko. Ayaw ko silang kausapin mga pashnea sila!
Matapos ang 500 years at nakalabas na ng silid si Liza. Imbyerna ako mga momshie!
"Buti naman at lumabas ka na. Nakakahiya sa manliligaw mo." Ang sermon ko sa babaeng kung magdamit ay parang namatayan. All black kasi ang outfit niya.
"Shall we?" Ang tanong ni Calum.
"Let's go." Habang kinuha ni Calum ang mga gamit ni Liza, nag-beso muna sa akin ang gaga at niyakap pa ako. Kadiri to the maximum level!
Nang makaalis na sila, itinuon ko muli ang aking pansin sa inaaral ko. Nang biglang may tumikhim dahilan para magulat ako. Tama! Magugulatin ako at tama rin ang naiiisip niyo. Nandito si Bryan na may dalang bag.
"Would you mind if I join you?" Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa kanyang tanong. Ang totoo niyan, wala akong maisip na english sentence para sagutin ang tanong niya. Ayaw ko naman yung simpleng "no" lang diba? So, ngumiti na lang ako para hindi na ako iisip pa ng sagot. Dapat wais ka din, bakla! Hindi puro GL!
Pagkatapos niyang umupo sa tapat ko, hindi na ako nagsalita at nagpatuloy ako sa aking pagre-review. Iniluwal niya rin ang mga gamit niya at nagsimula na siyang magbasa. For almost half an hour, walang imikan. Hindi ako makapag-concentrate sa presence niya! Ngayon ko na ba sasabihin yung totoo? Or next week na lang? Wag next week baka ma-stress siya lalo at baka ikabagsak pa niya yun. Syempre, bilang kaibigan niya, concern ako. Sa Intramurals na lang kaya? Baka masira yung diskarte niya sa laro nila. Maglalaro kasi siya sa volleyball at inimbitahan niya akong manood. Pumayag ako kasi baka sabihin niyang hindi ako tunay na kaibigan. Charot!
Ay ewan ko! Nagugulo na ang sistema ko dahil sa kanya! Peste naman kasi at bakit pa siya nagkagusto sa akin? Bakit di na lang sa ibang beki sa school? Di hamak naman na mas maganda naman sila sa akin at di hamak na mas sexy sila. Pero syempre, di hamak naman na mas witty ako sa kanila! At ito nga, pinagpapawisan ako dahil sa kaba. As in matindi yung kaba na nararamdaman ko. Never pa akong kinabahan nang ganito. Hindi ko keri to mga momshie! Tulungan niyo po ako Emre, please? Charot lang! I hope na kapag sinabi ko yun, matanggap niya yung pasya ko nang maluwang sa kanyang dibdib.
Wag naman sana niya akong kamuhian at ipapatay o ipakulong dahil sa kadahilanang hindi ko siya gusto! This is it pansit, ito na yung tamang oras para sabihin sa kanya ang katotohanan. Nag-sign of the cross pa ako at buti na hindi niya yun nakita.
"Bryan" tinawag ko ang kanyang pangalan at humarap naman siya.
"Ano yun?" Sabay tanong niya sa akin.
"May sasabihin kasi akong importante." Ang sagot ko. This is it!