Chapter 6

1078 Words
Bumaba mula doon si James. Bakit naman nandito siya? Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. "Hey, ang dami dami kong utang sa'yo and I'm sorry kung nawalan ako ng time para sa'yo. Patawarin mo sana ako." Actually, matagal ko na siyang pinatawad. Hindi naman kasi ako nagtatanim ng sama ng loob dahil mali iyon at nakaka-chaka.   "Okay." Iyan lang ang tangi kong tugon sa kanya.   "Let's have something to chew on. Libre kita, alis tayo." Ano pinagsasabi nito? I'm tired.   "Pwede bang sa susunod na lang? Pagod na kasi ako at saka busog pa ako. Nilibre ako ni Calum kanina." Hindi naman ako pataygutom no! Enough na yung siomai na ako lang ata ang nakaubos.   "Is he your new Biway?" Ano raw? Ano pinag-iisip ng lalaking to?   "Gago! Syempre hindi. Nagka-ayos na kasi sila ni Liz- este Louisse kaya nanlibre siya." Pagpapaliwanag ko.   "Why do you need to join them?" Tito Boy, ikaw ba yan? Daming tanong!   "Ano kasi, ako yung nagplanong mag-usap sila sa likuran ng gym kaya nilibre niya ako. Ayos na sila and they are happy with each other. In fact, pinakilala ni Calum si Louisse sa mga magulang niya kaya hindi ko siya kasamang umuwi ngayon." Kailangang mag-kwento sa akin yung babaitang yun bukas!   "Umuwi ka na James baka hinahanap ka na ng parents mo." Ang suggestion ko sa kanya. Gabi na kasi.   "Are you avoiding me?" Kaloka naman ang lalaking to.   "Bakit mo naman naisip yan? Pagod lang ako at kailangan kong magpahinga at matulog! Dapat nga at sa'yo ko tinatanong yan!" Napasigaw ako dahil sobrang haggard na ang lola niyo. Nasigawan ko tuloy to. Teka, sinabi ko ba yun sa kanya? s**t!   "Okay fine! Kakausapin na lang kita pag hindi ka na pagod. And just for your information, hindi kita iniwasan. Pinalayo ka lang sa akin ni Sam kaya nagawa ko yun." At bakit niya naman yun gagawin? Ako nga tumulong na maging sila tapos ganyan pa igaganti ng babaeng yun? May pagka-demonyita rin pala siya.   "Whatever, wag mo na kang akong kakausapin." Ang nasabi ko na lang sa kanya para umalis na.   Buti naman at lumayas na siya sa harapan ko. Hindi ako galit pero napalitan ito ng katanungan. Bakit naman ako ipapaiwas ni Sam? As far as I can remember, walang halong kaplastikan yung mga efforts ko. Threatened ba siya sa akin? Wala naman siyang dapat ipangamba dahil hindi ko aagawin sa kanya si James. At saka busy ako sa finals. Pashnea!   Pumasok na ako sa apartment namin at hindi na ako nagpalit pa ng damit. Kaagad kong humiga sa kama dahil nga pagod na pagod ang isip at katawan ko. May susi naman si Liza doon sa pinto kaya ni-lock ko ito para safe. Baka kasi gahasain ako no. Charot lang!   Akmang pipikit na ang aking mga mata nang marinig kong nag-vibrate ang phone ko. Gabi na! Sino pa bang magte-text sa akin? Istorbo lang siya mga momshie!   Binuksan ko yung message.   Goodnight, sweetie :*   -Bryan   Tangina, sino namang Bryan na to? May pa-goodnight pa siya. At paano niya nakuha number ko? May kissmark pa! Ang baduy niya! Hay ewan! Wala akong balak replyan ang Bryan na ito at wala rin naman pala akong load. Matutulog na lang ako. Goodnight!   Kinabukasan...   Ito na yung last day ng review week namin. Next week na kasi ay final exams na tapos Intramurals na. Then, bakasyon na namin para maghanda sa second semester. Nakaka-pressure din pala. Nang datnan ko sa kwarto si Liza, tulog pa siya. Hindi ko na lang siya gigisingin at baka napapanaginipan pa niya si Calum. Agad akong kumain ng spaghetti na nakita komsa ref. For sure, kay Liza ito at ininit ko na lang. Tinirhan ko naman siya at agad na rin akong naligo. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Inaway ko si James at may nag-text sa aking Bryan ang pangalan. Ibinaling ko na lang ang aking oras aa pagre-review at pinilit kong ipagsawalang bahala ang mga kaganapan kagabi.   Narito na ako ngayon sa school at hinihintay ko si Liza. At dahil matagal siya, napag-desisyonan kong pumasok na sa classroom. Baka naman liliban sa klase si Liza ngayon. Siguro, napagod siya kagabi. You know what I'm thinking. Charing! At dahil tinawag ako ni kalikasan, pumunta muna ako sa CR. Talagang kinikilig ako pagkatapos ng huling likido na iniluwal ko. At least, may pagkakataon akong kiligin.   Pagkatapos ko, lumabas na ako doon sa CR.   "Good Morning, Sweetie." Nakasalubong ko ang isang gwapong nilalang na ito.   "Hey, Sweetie!" Paalis na ako nang tinawag niya akong sweetie. Siya ba si?   "I'm Bryan." Tama nga hinala ko! Siya yung nag-text sa akin kagabi na hindi ko nireplyan dahil wala akong load. "Lloyd, right?" Ang dagdag pa niya. Wala akong pake sa kanya. Charing!   "Kanino mo naman nakuha number ko?" Pagtataray ko. Syempre dapat maging maganda ka! Pak Ganern!   "It doesn't matter. Can we be friends?" Ano raw? Tama ba narinig ko? Super ganda ko ba talaga kaya maraming nag-aalok ng pakikipag-kaibigan sa akin? Well, I was born beautiful. Charot lang din!   "Bakit naman, aber?" Syempre dapat mataray! Pa-hard to get dapat!   "I think, magkakasundo tayo in many terms." Papayag ba ako?   "Sige na nga!" Tsaka ako ngumiti sa kanya.   "Libre kita ng lunch later, sweetie." Kingina close ba kami nito?   "Bahala ka." Yan na lang ang nasabi ko. Well, pogi naman siya. I bet may sports siya kaya ganyan built ng katawan niya. May muscles na hindi naman masyadong malaki, nasa tamang size lang. Baka daks din siya mga momshie! Charot! Wala naman siguro siyang balak na masama sa akin. Mukha naman siyang disente at may pinag-aralan. Wag lang sana siyang maging d**g dealer or user! Bagay din siyang maging artista, model, at stripper. Charing!   Hinatid niya ako sa classroom namin at magkita raw kami mamaya sa canteen dahil ililibre niya ako. Mayaman naman siya, halata sa balat. Gold digger ang lola niyo! Hahaha! Panigurado akong magkakasundo kami ni Bryan. Pero muna sa ngayon, kailangan kong makinig sa teacher ko dahil may pa-glimpse siya sa aming exam sa kanya. Hindi naman daw mahirap. Natural siya gumawa ng test namin! Hindi niya rin daw kami papahirapan. Sana nga maam.   May kumatok sa pintuan at nabigla ako kung sino. Hulaan niyo! Si Liza! Halatang masaya siya ngayon dahil sa pausbong na ang kanyang lovelife. Kaagad siyang umupo aa tabi ko at may ibinulong sa akin.   "May chismax ako sa'yo later." Mygad! Di na ako mapakali. Ano kaya yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD