Bumalik na ako sa classroom at sinabi kong maayos na ang aking pakiramdam. Pagkaupo ko, naki-chismis kaagad sa akin si Liza.
"4pm daw." Agad kong binanggit sa kanya.
"Sige. Thank you besh." Sabay yakap niya sa akin. Nakakadiri!
Pagkatapos ng klase namin, kaagad kaming nagtungo sa likuran ng gym para hintayin si Calum doon. Finally! Malalaman na rin ni Liza ang katotohanan. Makalipas ang ilang sandali, nakita ko na si Calum at handa na akong umalis.
"Stop, Lloyd. Diyan ka lang at huwag kang aalis, please." Bakit naman? Baka naman saktan kami nitong lalaking to.
Lumapit si Calum sa harap ni Liza at hinawakan niya ang mga kamay nito. Hokage besh!
"Louisse, patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Humihingi ako ng forgiveness para sa akin at pati na rin sa sarili mo. Alam ko na nasaktan kita pero mas nasaktan ako dahil sa ginawa ko sa'yo. Oo, totoo na pinag-pustahan ka lang namin at nagsisisi ako dahil sinaktan ko ang isang katulad mo." Wow Calum! Is this for real?
"Hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako sa'yo. Alam nina mama kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko. Sinabihan nila ako na huwag kang pakawalan dahil ikaw ang bumuo sa pagkatao ko." Umiiyak na si Calum sa harapan niya pati na rin si Liza. At ako, kinikilig ako na ewan!
"I left my friends because they are not worthy of my time." Totoo ba? Mygoodness! Ang haba ng hair ni ate! "Will you please give me second chance to correct my mistakes in the past? Pwede ba kitang ligawan and this time, it is real at walang halong biro." Ano raw? Ganda ni ate! Dapat manlibre siya!
"Sorry, may boyfriend na kasi ako." Tama ba narinig ko?
"I understand, Louisse. Sorry sa lahat." Binitawan na niya ang kanyang mga kamay at aalis na.
"Hoy Calum! Ikaw talaga hindi ka mabiro!" sabay tawa ng babaeng ito. Natahimik naman ang lalaking ito. "Tangina mo rin no? Pinapatawad na kita pero magpapaligaw ako kung mananalo kayo sa basketball. Kapag talo, sorry ka." Nabuhayan ng loob ang binata sa sinabi ng dalaga. "Isa pa palang kondisyon, kailangan mong ipasa ang exams mo." Demanding naman ang babaeng to! Siya na nga nililigawan ng MVP ng school na'to, siya pa choosy!
"Ano, deal?" tanong niya rito.
"Deal." Pumayag ang binata. Edi sila na may agreement! Ako kaya, kailan ko makikilala yung sa'kin? Basketball player din ba siya? Baka naman na-traffic lang siya. Charot!
"Hay nako, Calum kapag naman natalo kayo at bumagsak ka sa exams, magiging akin ka, okay?" pagbibiro ko sa kanya.
"Hindi pwede." Mariing sagot naman niya. Mygad! Napakasaya ko para sa kanilang dalawa. Kanina, iyak iyak tong baklang to pero ngayon todo ngiti ang gaga! Papano, may manliligaw sa kanya at MVP pa ng basketball ang suitor niya! Ay ewan ko lang kung ano mangyayari kapag nagka-anak sila.
Alam mo yung feeling na napakasaya mo dahil finally, nakita mo na ngumiti yung kaibigan mo? Madalang lang kasi siyang ngumiti at tumawa nang malakas after ng nangyari sa kanila. Kung tatawa yan, alam kong pilit lang. Syempre alam mo naman yung peke at genuine diba? Pareho sila sa labas pero ibang-iba sa loob. And ito siguro yung masasabi kong genuine smile. Alam na alam mong ito ay totoo at walang halong kaplastikan.
At dahil siguro sa nangyari, nanlibre ng totobits si Calum. Akalain mo kumakain pala ng street food ang lalaking ito? Mayaman kasi sila at halata ito sa kanyang pananamit pati na sa mala-porselana niyang balat. Bagay talaga sila ni Liza dahil feel ko lang! Ano bang pake niyo?
Ibinili niya kami ng kwek-kwek, fishball, at siomai. May pasubo effect pa silang nalalaman! Wow, Liza uso magpa-demure no? At syempre mga momshie, ako ngayon ay isang dakilang thirdwheel! Saya diba?
Pero alam niyo ang perks of being a thirdwheel? Kahit para kang tanga na sunud-sunuran sa mga magkasintahan, madalas ay nalilibre ka sa lahat ng bagay. From pamasahe hanggang pagkain, libre lahat. Kaya wala kang karapatang magreklamo dahil nalilibre ka! Bwakanang kuripot ka! Masyado lang talagang mareklamo mga kabataan dahil wala silang lovelife. At hindi ako naniniwala sa katagang "studies first" dahil kahit gaano ka katalino at gaano ka-conservative ang mga magulang mo, maghahanap ka pa rin ng paraan para makalandi! Pashnea ka! Ano?! Diba totoo naman? Wag kang mag-deny hindi mo ikakaganda! And ako ang perfect example doon. Kahit gaano ako katigas sa paninindigan na hindi na ako magmamahal, ito pa rin ako at lagi kong binabalewala yung prinsipyo kong iyon. Lagi akong umiibig kahit palihim lang. Siguro sa kadahilanang ayaw ko lang na masaktan kaya pasikreto kung ako'y magmahal. Wala rin namang makakaalam at kung masasaktan man ako, sinasarili ko lang yun. At iyon ang alam kong makakabuti sa akin. Wala rin naman akong naaagrabyado at wala akong natatapakan na tao. Maganda na iyon para maging safe ang lahat.
Pero alam ko, hindi puro imagination ang dapat pairalin sa buhay. Mas maganda pa rin na alam mo ang katotohanan at iyon ang magpapalaya sa loob mo. Ang reyalidad ang sasampal sa'yo sa lahat ng pantasya mo. At mas mabuti na yung ganito na alam ko ang limitasyon ko bilang isang beki. Ang drama ko mga momshie! Wala naman akong pinaghuhugutan. Hindi ko namalayang kasama ko pa rin sina Liza at Calum at nagtataka sila kung bakit daw ako tulala kanina. Syempre nag-reason out ako para mapagtakpan yung mga iniisip ko kanina lang.
Napag-desisyonan kong umuwi na lang na hindi kasama si Liza; ipapakilala pa raw ni Calum si Liza sa mga magulang niya. Why so fast? Sabagay, nabanggit na rin naman niya ito sa mga parents niya at nagkakamabutihan na sila for the second time. Uuwi na lang ako para makapag-pahinga na at kailangan ko ring plantsahin ang uniporme ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Inanyayahan ako ni Calum na sumakay sa kotse niya para ihatid pero tumanggi ako. Commute mode na lang ako at para makapunta kaagad sila sa parents niya. Nakasakay na ako sa jeep papuntang apartment namin at hindi ko namalayan na hindi pa pala ako nakabayad. Nakakahiya mygad! Kumuha ako ng barya sa aking pitaka at nagbayad na kay manong. Bumaba na ako pagkatapat sa kanto namin. Malapit lang naman ang bahay na aming tinutuluyan kaya't naglakad na lamang ako. Pagkarating ko sa harapan ng apartment, may bumusinang kotse dahilan para magulat ako.