Chapter 4

1110 Words
Nabigla naman ako nang makita ko sa harapan ko ang landlady namin. Sa pagkaka-alala ko, wala pa naman kaming utang sa kanya. In fact, advance kaming magbigay ng renta ng bahay sa kanya.   "Magandang gabi po, ate." Bati naming dalawa ni Liza.   "Magandang gabi rin sa inyo." Mabait naman si Ate Perla at saka maganda pa rin kahit may edad na.   "Naparito ako dahil gusto kong ipaalam sa inyo na buntis ako." What? Totoo?   "Joke lang! Sa totoo niyan, may naghahanap sa'yo kanina, Lloyd." Ha? Sino naman? Manliligaw ko? Charot!   "Sino po ate?" pagtatakang tanong ko.   "James daw pangalan at hinahanap ka sa akin." Bakit naman niya ako hahanapin? Naku! Ite-text ko na lang siya mamaya.   "Ah! Si James po? Baka lang po may kailangan lang. Wag po kayong mag-alala, text ko na lang po siya mamaya." Ang sabi ko kay ate.   "Naku Lloyd, akala ko pa naman ay boyfriend mo. Bagay pa naman kayo." Pagbibiro ni ate.   "Naku kaibigan ko lang po siya." Natatawang sagot ko kay Ate Perla.   "Ok, pumasok na kayo sa loob at uuwi na rin ako. Dumalaw lang kasi ako rito para singilin yung ibang nangungupahan dito." Kaya pala nandito siya. Yun pala dahilan.   "Sige po, maraming salamat po ate." Sabay wave sa kanya at tuluyan na siyang umalis at naglakad pauwi. Malapit lang din naman yung bahay niya. At bakit naman ako hinahanap ni James? Baka may kailangan sa akin? At bakit niya alam yung tinutuluyan kong apartment?   Hindi naalis sa isip ko ang mga katanungang iyon. Sa halip na ako'y mangamba, tinext ko na lang si James para tanungin kung bakit niya ako hinahanap kanina. Hindi naman niya siguro ako sisingilin sa lahat ng nagastos niya sa panlilibre sa akin dahil hindi ko naman siya pinipilit na ilibre ako dati.   Naghintay ako sa kanyang reply pero wala. Matapos ang isang oras, walang James na sumagot at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Ano na namang trip ng lalaking yun? Ay bahala na nga! Matutulog na lang ako dahil review day na naman bukas. I need to rest and sleep dahil for sure, may long quiz kami sa mga subjects namin kinabukasan.   *The next day*   Maaga akong nagising para maghanda sa aking klase. Ayaw na ayaw kong nahuhuli sa klase dahil baka mabawasan yung points ko. Ginising ko na rin si Liza sa kwarto niya dahil kung hindi ko siya gigisingin, tanghali na siyang babangon. Bumili na lamang kami ng pandesal at sabay na kumain kasama ang mainit na kape. Una na siyang naligo pagkatapos dahil aayusin pa raw niya ang kanyang mga gamit. Ako kasi ay napakatagal maligo dahil kumakanta at nagwawala pa ako sa banyo. Joke lang yung nagwawala syempre. Pero ngayon, maaga akong natapos sapagkat kailangan ko ring ayusin ang mga gamit ko. Pagdating ko sa aking kwarto, kaagad akong nagbihis at nag-review nang kaunti para naman may masagot ako kahit patak-patak lang. Sabay kaming nagtungo ni Liza sa school at umupo muna doon sa mga upuan na bato at hinintay na tumunog ang bell.   Pagka-ring nito, sabay kaming pumunta sa classroom at naghanda na para sa aming unang subject. Nag-chismisan muna kami pagkatapos at nagpaalam si Liza na pupunta raw sa CR. Syempre naghintay ako at lumipas ang ilang sandali, bumalik na siya na halatang nabigla dahil siya ay namumutla.   "Anong nangyari sa'yo, bakla?" pag-uusisa ko. Bakit parang nakakita siya ng multo?   "Hinalikan ako ni Calum sa labi." Tumawa ako nang malakas. Wait, what?   "Ha?! Ano?! Hinalikan ka ni---" sabay takip niya sa bibig ko. Medyo napalakas kasi ang pagkakasabi ko. Pati ako, hindi ma-sink in sa utak ko ang nangyari. Bakit niya naman yun gagawin? Baka naman pinagpustahan lang ulit siya?   "Wag ka nga maingay!" ang babala niya sa akin.   "Tell me what happened." Ang pag-uusisa ko. Enlighten me, please!   "Nasa CR lang ako nang makita niya ako." Natural!   "Tapos?" pagtatanong ko.   "Tapos pagkaalis ng babae sa CR, tsaka siya pumasok at nagpa-sorry siya sa lahat ng ginawa niya pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi at dali-dali siyang umalis." Nagpa-sorry lang tapos may halik pang nalalaman? Nananaginip lang siguro ito nang gising.   "Okay sige, bakit kailangan pa niyang magpa-sorry kahit alam niyang huli na ang lahat? Naka-move on ka na di ba?" sinabi ko yan dahil noong naglalakad kami papunta ng apartment, nabanggit niya na naka-move on na raw siya dahil hindi siya nasaktan noong nakita niya si Calum pati yung parang model na kasama niya.   "Ang totoo niyan besh, mahal ko pa rin talaga siya kahit gaano kasakit ang ginawa niya na kahit alam kong pinagpupustahan lang ako, naramdaman ko kung gaano ka-sweet si Calum kapag kaming dalawa ang magkasama." Umiiyak na si Liza habang binabanggit ang mga iyan.   "Alam mo besh, isa lang paraan para tumigil ka na talaga diyan sa kadramahan mo." Nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin. Lakas naman kasi niyang umiyak parang bata!   "Ano naman yun?" ang pagtatanong niya.   "Kailangan niyo ng closure, besh! Yan ang sagot!" totoo naman para maka-move on siya sa manlolokong yun!   "I mean, kahit pinagpustahan ka lang, kailangan mo pa ring marinig mismo sa kanyang bibig na tumigil ka na sa kaiiyak." Kasi iyan lang talaga ang naiisip kong paraan para ibalik niya yung dati niyang sigla.   "Mag-usap kayo mamaya sa likuran ng gym. Ako na bahalang kumausap sa kanya. Naiintindihan mo ba ha?" tumango lamang siya bilang sagot.   Ayaw na ayaw kong nakikita na malungkot yung mga kaibigan ko. Hangga't maaari, gagawa ako ng para mapasaya sila. Gagawin ko ito para kay Liza. Kakapalan ko ang aking mukha para lamang matahimik na siya. Nag-cutting ako sa klase or should I say, nagpanggap ako na may sakit para makausap si Calum sa labas. Papalapit na kasi ang Intramurals kaya for sure, nasa gymnasium sila ngayon kasama ang mga tropa niya.   Nagtungo ako sa gym at hindi ako nabigo, kaagad ko siyang nakita at nilapitan.   "Calum, pwede ba tayong mag-usap?" pagbabakasakali ko.   "Sure. Ano naman yon?" thank God at pumayag naman siya.   "May hihingin sana akong favor from you." Kapal ng mukha mo, bakla!   "What is it?" kumagat ang lolo niyo!   "Pwede ba kayong mag-usap ni Liz este Louisse mamaya?" pumayag ka na!   "Pwede bang after ng practice namin?" yes!   "Anong oras kayo matatapos?" ani ko.   "Siguro 4pm kasi magre-review pa ako." Finally! Right after kasi ng finals namin ay Intramurals na kaya walang pahinga ngayon ang mga players dito sa amin. Ako, hindi ako sasali pero magpapa-cheerleader ako para sa kanila.   "Thank you, Calum."   "No problem, Lloyd. Gusto ko ring malaman niya ang katotohanan." What? Anong katotohanan? Kinakabahan ako para bang may mali. Sana mali ako kasi I hate it when I'm right.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD