Tatlong araw, mula ng magpaalam si Leopard tungkol sa out of town nito na walang detalye kung saan. Wala din itong mensahe o tawag kay Alex. Sinubukan naman ni Alex na tawagan ito pero hindi man lang ito sumasagot. Nasa apartment lang siya ng mga oras na iyon at walang balak pumasok sa trabaho. Parang pag pumapasok siya palagi lang niyang napapagtanto kung gaano naging isang tanga ang isang Alexa Dimagiba. Nais na lang sana niyang magresign. Pero naiisip pa rin naman niya ang pamilya niya. Kaya hindi talaga niya malaman kung ano ang mas uunahin. Sarili ba niya, o ang pamilya niya. Nais sana muling ipikit ni Alex ang kanyang mga mata ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa kanyang pintuan. Tamad siyang bumangon at hinayon ang pintuan. "Kung sino kang nang-aabala ka, sa namamahinga k

