Nagising ng madaling araw si Leopard. Nakaramdam siya ng pagkauhaw ng mga sandaling iyon. Masakit ang katawan pero napangiti siya ng mapagmasdan ang magandang mukha ng nobya. "I love you ga." Mahina pa niyang bulong, sa natutulog na si Alex. Binigyan pa niya ito ng halik sa noo. Maingat niyang iniangat ang ulo ni Alex at inalis sa pagkakaunan sa kanya, bago siya nagpasyang bumangon. Inayos muna niya ang pagkakakumot dito at tuluyan ng lumabas sa kwarto. Hinayon kaagad ni Leopard ang kusina. Para makakuha ng tubig. Matapos niyang makainom ay babalikan sana niya si Alex ng biglang tumunog ang cellphone niya. Naiwan na pala niya ang cellphone doon sa kusina kanina. Pinagmasdan muna niya ang tawag. Napakunot pa ang kanyang noo ng makitang unknown number iyon. Hindi naman niya iyon sinagot a

