Napangiti si Alex ng pumasok si Leopard sa opisina nito. Mula ng araw na puntahan siya ni Leopard sa apartment niya ay parang bumalik ang sigla kung ano ang meron sila noong nasa San Raphael sila. Bagay na labis niyang ipinagpasalamat. Sabay silang pumapasok at sabay din silang umuuwi ng bahay nito. Ngayon ang ikatlong araw na para kay Alex nagbalik na ang lahat sa normal. Naisip niyang gawa lang talaga iyon ng nangyari sa mommy nito. Baka talagang buhat ng dumating ang mga magulang ni Leopard ay hindi na maganda ang pakiramdam nito. Kaya naman nagpapasalamat na rin si Alex ng siguraduhin ni Leopard na maayos na ang kalagayan ng mommy nito. Sinamahan pa niya noon si Leopard na bumili ng cellphone nito, ng nagdaang araw. Hindi na daw kasi talaga mapapakinabangan ang nabasag nitong cellphon

