Isang linggo na ang nakakalipas ng makalabas ng ospital si Alex. Pinayuhan naman siya ng doktor na normal lang ang mahilo, at magsuka sa buntis. Pero kung may ibang mararamdaman ay bumalik lang ulit ng ospital. Nanghinayang pa nga ang lolo at lola ni Tisoy ng makabalik sila ng bahay, ng sabihin nilang buntis si Alex. Sayang daw at hindi si Tisoy ang ama. Sana ay magkakaroon na sila ng apo sa tuhod. "Alex okay ka lang? Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Tisoy ng mapansing parang hinahapo si Alex. "Mainit lang. Parang gusto ko ng ginataang bilo-bilo." Nakangiting wika ni Alex kaya naman kahit si Tolits ay napaubo. "Anong gusto mo sa ganitong kainit na panahon?" Manghang tanong pa ni Tolits. "Mainit na ginataang bilo-bilo. Masarap sana kung madaming s**o, saging at taro." Nakangiti pang s

