Naging madalas na ang pagsama ni Samantha sa mga lakad ng grupo ni Lerraine. Malling, outing at kung ano ano pa.
Naging malapit din sa kanya si Vincent pero hindi naman ito nanliligaw o kaya't nagpapalipad hangin man lang.
Kaya naging kampante ang loob ni Samantha dito kahit pa may kilig siyang nararamdaman ay hindi siya nag pahalata.
May mga panahon din bigla itong lumilitaw sa campus nila para sunduin siya at mamasyal.
"Sam, andyan na naman si prince charming mo!" kinikilig na sabi ni Lerraine sabay nguso sa direksyon ni Vincent na matiyagang naghihintay sa labas ng campus sa paglabas ni Samantha.
"Ano bang prince charming pinagsasabi mo?"
" Nakikipag - kaibigan lang naman yung tao," angal naman ni Samantha.
"Oy, defensive, pero nagtapat na, nanliligaw na ba?" pangungulit ni Lerraine
"Hindi nga po, kaibigan ko lang talaga siya," buntunghininga ni Samantha.
"Hindi siya nanliligaw, isa pa hindi pa naman ako handa makipag boyfriend no," sagot naman ni Samantha.
"Hoy Sam, hindi ka na sweet 16 ah, turning 23 ka na next birthday mo."
"At kailan ka naman magiging handa magkaroon ng jowa kung 60 ka na, taray mo, Mama," pambubuska naman ni Lerraine sa kanya.
"Ah, basta hindi pa ako handa sa jowa - jowabels na sinasabi mo besh, period," tanggol naman ni Sam sa sarili.
"Ay ewan hindi ko alam kung bulag ka o sadyang manhid ka lang halata namang may gusto si papa Vincent, takot lang yata magtapat baka jumbagin mo eh!" sabay halakhak ng malakas ni Lerraine.
"Lika na nga, kung ano ano sinasabi mo," tugon ni Samantha
"Oy kunyari pa siya, excited na man ang manang na sinundo siya ni papa Vincent," patuloy na tudyo ni Lerraine sa kaibigan na napipikon
na.
Irap lang ang itinugon ni Samantha sa kanyang kaibigan.
"Hi Sam, Rainne pwedeng ambush ko muna si Sam ngayong hapon?" tanong ni Vincent ng makalapit sila.
"Ay naku walang problema Vincent, di ka naman ata nangangagat," biro ni Lerraine kay Vincent.
"Grabe ka naman Rainne hindi naman ako aso," nakatawang sagot ni Vincent.
"Sige na, basta ingatan mo yang kaibigan natin ha tsaka ihatid mo na din sa bahay nila pag uwi."
"Balik pa ko sa loob may nakalimutan pala ako, lakad na kayo ng makauwi agad si Sam," bilin ni Lerraine kay Vincent.
Naging madalas ang paglabas labas ni Samantha at Vincent na hindi kasama ang iba nilang kaibigan. Kapwa sila masaya at halos magkasundo din sila sa maraming bagay.
Nagsisimula na din na magkaroon ng lihim na malikot na pantasya si Samantha kay Vincent.
May pagkakataon pang napapanaginipan niya ito.
"Ooohh….., " ungol ni Samantha mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Bigla naman siyang nagising sa malakas na katok ng kanyang ina sa pintuan.
"Sam, Sam, buksan mo ang pinto, ano ba ang nangyayari sayo at lakas ng ungol mo?" tanong ng ina niya.
Tila naman naalimpungatan si Samantha at napahiya.
"Nay wala po, wala po, may panaginip lang po ako na nakakatakot."
"Ok lang ako Nay, tulog na lang po ako ulit," hiyang hiya na tugon ni Samantha.
Hindi niya na rin binuksan ang pinto dahil baka usisain pa siya ng ina.
Nahiya siyang pagbuksan ng pinto ang ina dahil pawis na pawis siya dahil sa kanyang panaginip. Napanaginipan niya kasing magkasiping sila ni Vincent at nagtatalik. Kaya ganun na lamang ang ungol niya.
"Hay ano ka ba naman Samantha, kung ano ano kasi pumapasok sa utak mo eh," bulong niya sa sarili.
"Naiisip din ba ako ni Vincent ngayon? Ano kaya ang pakiramdam kung halikan niya?" tanong niya pa sa sarili.
Napakaraming tanong ang pumasok sa isip ni Samantha.
"Ano kaya ang pakiramdam kung bigla niya akong yakapin at halikan, kung biglang maging malikot ang kamay niya sa akin."
"Hay naku Samantha, matulog ka nga, nangangarap ka ng gising," saway niya sa sarili.
Lingid sa kaalaman ni Samantha ay ganun din ang naramdaman ni Vincent. Nakailang ulit na itong nagparaos sa sarili sa kaiisip kay Samantha.
"Aaahhh, sh*t Samantha, kailan ka ba magiging akin?" tila nahihibang na ungol ni Vincent sa loob ng cr habang nagpaparaos.
"Ang sarap mo sigurong halikan habang sinasagad ang kaibuturan mo," mahinang sabi pa nito.
"Bakit ba ako nababaliw sayo, Sam?" walang katapusang tanong niya sa sarili.
Pagkatapos magparaos ay nagbabad siya sa tubig ng halos 20 minutos upang lunurin ang init na nararamdaman sa katawan.
Mabilis na lumipas ang mga araw palapit ng palapit ang graduation ni Samantha at Lerraine.
Wala namang lakas ng loob manligaw si Vincent dahil nga sa mga sinabi noong una ni Lerraine sa mga kaibigan nila na ayaw pang makipagrelasyon ni Samantha at hindi pa ito handa.
Naging masaya na lang siya sa pagiging magkaibigan nila. Subalit gabi gabi ay hindi maiwasang guluhin ni Samantha ang kanyang isipan at mas lalong tumitindi ang lihim niyang pagnanasa sa dalaga.
"Tita, pwede isasama ko po si Sam sa graduation celebration ko sa Tagaytay?" ungot ni Lerraine sa ina ni Samantha.
"Two days po kami doon, gift po kasi iyon ni Mama sa akin dahil nakapagtapos din ako sa wakas," paalam ni Lerraine sa ina ni Samantha.
"Walang problema hijo, ay naku hija pala, basta ikaw tsaka nasa edad naman kayo, alam niyo na ang tama at mali," sagot ng ina ni Lerraine.
"Hahahaha Tita, always remember, hija ako!" tugon naman ni Lerraine
"Alam ko po na magkakaroon din si Sam ng celebration after the graduation kaya ako na lang po ang nag - adjust ng sched para naman po kasama ko si Besh." paliwanag pa ni Lerraine.
"Oo maliit lng naman na handaan pupunta kasi dito mga pinsan niya tsaka yung mga malapit din sa amin at syempre ikaw dapat nandito ka," paalala ng ina ni Samantha.
"Ako pa Tita, always present basta may lafangan!" tili ni Lerraine.
Dumating ang araw ng graduation nina Lerraine at Samantha.
Masayang - masaya ang magkaibigan dahil cumlaude si Samantha. Pati ang mga magulang ni Samantha ay sobrang saya sa achievement ng kanilang anak.
Hindi naman sila naghangad ng honors o award sa anak nila kaya halos maluha luha ang mag - asawa ng tawagin sila para sa pagsabit ng medalya kay Samantha dahil wala namang sinabi si Samantha sa kanila bago ang graduation.
"Ang saya saya namin anak, sana man lang sinabi mo sa amin bago pa ang araw na ito ng pinaghandaan naman namin ang pang regalo para sa iyo." maluha - luha na sabi ni Gng. Mendez sa anak na si Samantha.
"Naku 'Nay, hindi na po kailangan, sapat na po sa akin na pinagtapos niyo ako nga pag - aaral," sagot naman ni Samantha
"Sa ganitong paraan ko lang po masusuklian ang pagtataguyod niyo ni Tatay sa aking pag - aaral."
"Maraming salamat 'Nay, 'Tay, hayaan nyo pag makapasok ako sa ina applayan nami ni Lerraine, magpapagawa ko po kayo ng bahay na ako mismo ang may design!" pangako nito sa magulang.
_________
Note:
Lafangan - means handaan or kainan