Chapter 1:
"Imagine Sam, nasa last year na pala tayo ng college life natin!" masayang bulalas ni Lerraine kay Samantha.
"Oo nga Rainne, sa wakas matutupad na rin mga pangarap natin," nakangiti niyang sagot sa kaibigan.
"So anong plano, tuloy ba natin pag - apply papuntang US after natin magtapos?" tanong nito kay Samantha.
"Aba oo, di hamak na malaki kikitain natin doon, saka siguro pag stable na tayo saka well -experienced pwede nating pagplanuhan ang pagtayo ng sarili nating architectural firm dito." sagot naman niya.
"Pero maiba ako Sam, makakatapos na tayo at lahat pero never been kissed, never been touched ka pa rin!" sabi nito kay Samantha.
"Ay bastos," sabay kurot sa kaibigan.
Tawa naman ng malakas si Lerraine.
"Hindi ka ba nacucurious kung ano ginagawa ng mag - jowa?" birong tanong niya pa kay Samantha.
"Ay, ewan ko sayo jan, tigilan mo ko at kukurutin ko yang singit mo!" natatawa naman na sagot ni Samantha kay Lerraine.
"Hahaha gusto mong mangurot ng singit, mag jowa ka na kasi ng may makurot kang singit," pambubuska nitong lalo kay Samantha.
"Hay tigilan mo nga ako dyan sa kakajowa mo at hindi ako interesado!" angal naman niya.
"Ikaw din hindi ka makakatikim ng luto ng diyos baka mapanis yang beauty mo at maging matandang inahin ka." dagdag pa na biro ni Lerraine.
"Hala,inahin daw, ano 'ko manok, baboy at naging inahin!" nakatawang tugon ni Samantha.
Ganun silang magkaibigan, laging masaya pag magkasama, biruan, tawanan at hingahan ng problema ng bawat isa. Parang magkapatid na ang turingan ng dalawa.
"Hi Samantha, pwede ba akong maki - upo dito?" tanong ng isang schoolmate niya na napapabalitang may gusto daw sa kanya.
"Ok, paalis na din naman ako, so sayo na tong upuan, anyway hindi naman ako ang may - ari nito kaya kahit sino pwedeng umupo!" mataray na sagot ni Samantha sabay tayo.
"Grabe ka naman makiki -upo lang, dami mo ng sinabi," lahad naman nito.
"Ah ganun ba, o sige dyan ka na nga ng wala ka ng marinig!" muling pagtataray ni Samantha at nagmamadaling umalis.
Simula ng maging dalaga si Samantha ay umiwas na sya sa mga lalaking sa tingin niya ay gustong manligaw. Ipinangako niya kasi sa sarili niya na hindi niya bibiguin ang kanyang mga magulang. Sisiguraduhin niyang magtatapos muna siya ng pag - aaral bago magpapaligaw.
"Sam, iwan ko muna sayo pamangkin mo ha, wala ka namang pasok ngayon," pakiusap sa kanya ng nakatatandang kapatid niya.
"Sige Ate, nandyan ba lahat ng kakailanganin niyan baka mamaya tatakbo pa ako sa bahay niyo bitbit si Marie kasi may nakalimutan ka namang dalhin," usisa niya sa kapatid na tila may kasabay na sermon.
"Andyan lahat sa bag, wala akong nakalimutan. Kukunin ko na lang mamayang hapon si Marie, ikaw na muna bahala sa kanya." mahinahong sabi ng kanyang Ate.
"Oo na, sige na lakad na, ng makauwi ka ng maaga. Tsaka Ate, huwag na muna kayo gagawa ng kasunod ni Marie ha, ang liit pa nito." pahabol niya pa sa kapatid niya.
"Ay naku maintindihan mo din ako kapag mayroon ka nang asawa," wika naman nito.
"Hinding hindi ako mag aasawa, magpapayaman lang ako!" pinagmamalaking sagot ni Samantha.
"Huwag kang magsalita ng tapos Sam, maaaring hindi mo pa lang natagpuan ang katapat mo," tugon nito.
"Sige na, lakad na ng maaga ng matapos 'yang asikasuhin mo," Pag - iba naman ni Samantha sa usapan.
"O sige, sige alis na ko, bahala ka na muna sa pamangkin mo."
Laging ganun ang pinagtatalunan nilang magkapatid, apat na kasi ang anak. Hindi rin nakatapos sa pag - aaral ang kapatid niya kasi maagang nag - asawa. Masipag naman at responsable ang asawa nito pero tila hirap pa din sa buhay kasi nga marami ang anak at nasa bahay lang ang ate niya.
Maya - maya ay tumunog ang cellphone ni Samantha.
"Hello, bruha bakit ka napatawag? bungad niya sa kaibigang si Lerraine.
"Oy sa lahat ng bruha, ako ang pinakamaganda," ganting biri nito sabay halakhak.
"Bakit ka nga napatawag, ang aga aga pa?" tanong niya sa kaibigan.
"Aba dapat lang maaga, ika nga sa kasabihan, early bird catches early worms." Tugon naman nito
"Sos may pa worm worm ka d'yan na nalalaman, eh bird din naman ang gusto mong catch!" pang - aasar niya sa kaibigan na nasa kabilang linya.
"Ay syempre naman, bird is life, ikaw lang naman ang ayaw sa bird, hahahaha!" pambubuska naman nito sa kanya.
"Ay naku, ayoko ng bird no, baka ako ay matuka pa niyan ibabalibag ko yan!" tugon niya kay Lerraine sabay tawa.
"Teka ano nga ba ang ganap at napatawag ka?" muling usisa niya.
"Kasi Sam, aayain sana kitang sumama mag swimming sa bagong bukas na resort, alam mo maraming papables doon kaya sama ka na," yaya niya kay Samantha.
"Naku wrong timing ka friend, super yaya ako ngayon, next time na lang, tsaka hindi naman ako interesado sa mga papables na sinasabi mo eh." tugon naman ni Samantha sa kaibigan niya.
"Naku sayang naman, baka doon mo na matatagpuan ang Prince Charming mo, ang lulusaw sa ice princess," biro nito sa kanya
"Hahahaha asa ka pa, ano bang prince charming pinagsasabi, di naman ako si Cinderella o Snow White," ganti niyang biro din kay Lerraine.
"Ay ang KJ mo talag, hmp maging matandang inahin ka sana!" sabay halakhak ni Lerraine
"Hahahaha talagang wish mong maging inahin ako?" nakangiting sagot ni Samantha.
"O sige na, next time na lang kapag wala akong ginagawa." lahad niya sa kaibigan.
"Ganyan ka naman lagi, next time, next time, hindi ka nauubusan ng gagawin, enjoy ka din kasi kahit minsan. Huwag mong buruhin 'yang ganda mong 'yan." pangungulit pa ni Lerraine kay Samantha.
"Sige na, next na lang talaga, pakainin ko muna tong pamangkin ko, baka nagugutom na."
"Promise, sasama na ako next time," pangako niya sa kaibigan na tanging buntong hininga lang ang isinagot sa kanya.
"Ok, wag ka ng magtampo, wala kasing mag - aalaga na iba dito sa pamangkin, sa sunod talagang sasamahan na kita." pangungumbinsi ni Samantha kay Lerraine.
"Oo na sige na, ano pa nga ba magagawa ko. See you na lang sa school. Bye," matamlay na wika ni Lerraine.
"Bye, ingat saka mag - enjoy ka naman dun kahit wala ako, sigurado akong mai- entertain ka ng mga papables doon," tugon ni Samantha sabay pindot sa end call.