I am Shirly A. Diaz, I love reading novels. A simple person with simple likes and a mother. I start writing my own stories using simple and light words. I will be writing Filipino and English stories incorporated with drama, romance and a mix of funny lines from characters. If ever by chance you are interested in my stories please follow me and my stories. Thank you.
"I will never ever love you, itatak mo yan dyan sa utak mo." Paasik na angil ni Jason kay Emma.
Ipinagkasundo si Emma Smith ng kanyang magulang kay Jason Arriti upang isalba ang kanilang negosyo na nalugi. Pumayag naman si Emma dahil bata pa lamang sila ni Jason ay may lihim na siyang pagtatangi dito kahit hindi siya pinapansin nito. Magkaibigan ang pamilya Arriti at Smith. Wala namang nagawa si Jayson kundi sumunod sa kagustuhan ng ama na pakasalan si Emma kahit pa may iba siyang mahal. Ayon sa kondisyon ay maaari silang mag divorce pagkalipas ng limang taon kung hindi sila magkakasundo. Isinakripisyo ni Emma ang nagsisimula na sana niyang career sa pagmomodelo upang pagsilbihan ang kanyang asawa. Sa kabila ng kanyang pagmamahal niya dito ay hindi siya itinuturing na asawa bagkus ay para siyang bayaran na babae sa paningin nito. Pagkatapos nilang magtalik ay pinipilit siyang painumin ng pills upang hindi mabuntis. Patuloy pa rin sa pakikipag kita si Jayson sa kanyang kasintahan na si Tatyana Montenegro. Wala namang pakialam ang babae kahit na masabihan siya ng kabit dahil alam niyang siya ang mahal ni Jayson at balang araw ay babawiin niya ang para sa kanya.
Hindi alam ni Jayson na bawat pinainom niyang pills kay Emma ay iniluluwa nito pag alis niya. Tiniis ni Emma ang lahat sa piling ni Jayson. Dumating ang araw na nagbuntis siya. Inilihim niya ito kay Jayson at siya na rin ang kusang nagpaparaya. Alam niyang kailanman ay hindi niya magiging pag aari ang puso ni Jayson kaya kusa na siyang umalis sa kanilang bahay at nag - iwan ng signed divorce paper. Ipinaliwanag niya ang lahat sa magulang bago umalis papuntang France ngunit nagbilin ito sa magulang na walang pagsasabihan kung nasaan siya. Huli na ng mapagtanto ni Jayson na unti unti na siyang nahuhulog kay Emma. Mas nadadarang na siya sa mga haplos at yakap nito at nawawalan na siya ng gana kay Tatyana.
Subalit huli na ang lahat tuluyan ng nakaalis ng Pilipinas si Emma at walang nakakaalam kung nasaan siya. Labis ang pagsisi ni Jayson, nakiusap siya sa magulang ni Emma na alamin kung nasaan ito subalit tumanggi ang mga ito. Araw gabi na nilunod ni Jayson ang sarili sa alak dahil sa pangungulila kay Emma.
Dagdag pa sa dalahin niya ang pagdadalang tao ni Tatyana na sapilitang umuwi sa kanyang bahay ng malamang umalis na si Emma.
Magkaroon pa kaya siya ng pagkakataon na ipaalam kay Emma ang nararamdaman. Paano kung nasa malayong lugar na pala si Emma? Magtagpo pa kaya ang kanilang landas ngayong kusa na itong nagparaya?
Pilit kinakalimutan ni Kristine ang mapait na karanasan sa unang pag- ibig at ipinangako sa sarili na kailanman ay hindi na siya iibig. Upang makalimot ay nag - resign siya sa trabaho bilang accountant sa isang malaking unibersidad sa Bikol. Nagdesisyon siyang pumunta ng Maynila at doon na muna magtrabaho upang gamutin ang malalim na sugat sa puso. Dalawang taon niyang kasintahan si Luke at mahal na mahal niya ito, subalit nahuli niya itong may katalik na ibang babae sa tinutuluyan nitong apartment. Umalis siya sa apartment na hindi namamalayan ni Luke na pumunta pala siya at ng muling dumalaw ito sa kanya ay nakipag - break si Kristine. Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit nararamdaman pa rin niya ang kirot kaya tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan na si Eva na nagtatrabaho sa Maynila. Sinabi niyang luluwas siya ng Maynila hindi naman lingid kay Eva ang dahilan ni Kristine. Sinundo ni Eva si Kristine at sa condo niya na rin ito pinatuloy dahil mag - isa din lang naman siya. Nagsimulang maghanap ng trabaho si Kristine, sa hindi inaasahang pagkakataon nagtagpo ang landas ni Kristine at Kyle. Muntik ng masagasaan ni Kyle si Kristine dahil nagmamadali itong tumawid. Iritang - irita si Kyle ngunit hindi niya maintindihan ang sarili bakit parang umukit sa kanyang balintataw ang mukha ni Kristine. Nakapasok naman si Kristine sa Accounting Department sa isang kompanya na pag - aari ng pamilya Thompson, maayos ang lahat. Unti - unti na ding niyang nakakalimutan ang masakit na karanasan sa pag - ibig. Masaya na siya sa simpleng routine niya sa buhay at naroon ang kanyang matalik na kaibigan na laging nakaalalay sa kanya. Hindi niya inaasahan na muling magtatagpo ang landas nila ng lalaking muntik nang makabangga sa kanya at laking gulat niya na may - ari pala ito ng kanyang pinapasukan. Hindi naman natuwa si Kyle sa pagtatagpong iyon dahil siya ang ang babaeng gumugulo sa kanyang isipan. Si Kyle ang taong hindi naniniwala sa pag - ibig para sa kanya pera lang habol sa kanya ng mga babae kaya ginawa niyang mga laruan ang mga ito at ni minsan walang sineryoso. Pilit namang nirereto ng magulang ni Kyle si Celine, anak ng kaibigang negosyante subalit hindi sumasang - ayon si Kyle. Kinausap niya si Kristine upang magpanggap na kanyang fiance at tantanan siya ng magulang. Napilitang sumang - ayon si Kristine ngunit mayroon silang kasunduan. At isa doon na walang mamagitan sa kanila at walang silang pag - ibig na mamamagitan sa kanila. Sa hindi inaasahang pangyayari may namagitan sa kanila dala ng pagkadarang ng pilit nilang pinipigil na damdamin sa bawat isa. Nagbunga ito ngunit itinago ito ni Kristine dahil nagsimula na ring manggulo si Mabeilyn, ang babaeng nagkaroon ng kaugnayan kay Kyle bago niya nakilala si Kristine. Binantaan niya si Kristine at pinapalayo kay Kyle. Magkaroon kaya ng pagkakataon na lumigaya si Kristine? Ano ang gagawin ni Kyle kapag napagtanto niyang mahal niya pala si Kristine?
Sadyang mahiyain si Mara Cruz kahit ba may taglay siyang katalinuhan. Hindi siya lumalahahok sa mga talakayan sa paaralan. Napansin ito ng mga guro. Madalas ay pinipili niyang maupo sa kalagitanaan ng classroom para hindi siya gaanong mapansin. Malungkutin siya at madalas mag - isa. Halos hindi nakikipag - usap sa mga kaklase. Napapansin lamang siya sa klase pagkatapos ng unang markahang pagsubok dahil sa matataas na marka na nakukuha niya sa written exams. Ngunit nagtataka ang mga guro bakit hindi siya palaimik at hindi kusang nagtataas ng kamay tuwing may talakayan sa klase sa halip ay nakayuko lang siya na parang ang layo ng iniisip. Minsan siyang napag - usapan ng mga guro at ang konklusyon nila ay may inferiority complex si Mara o mababang tiwala sa sarili. Lingid sa kanilang kaalaman, isang madilim na kahapon ang dahilan ng pagiging tahimik at malungkutin ni Mara. Nag - aalangan siyang magsalita at magsabi kung ano ang totoong dahilan dahil sa takot, kahihiyan at hindi niya alam kung paniniwalaan siya. Kahit sarili niyang magulang ay walang ala. Hanggang naging ganap na siyang dalaga, umiwas siyang makipagrelasyon dahil hindi niya alam kung maiintindihan ba siya o matatanggap ba na hindi na buo ang kayang pagkababae dahil sa ginawang pananamantala sa kanya ng tiyuhin niya ng ilang olit nga bata pa siya. Ngunit dumating ang araw na umibig siya, naibigay niya ang sarili sa kasintahan subalit nawala itong bigla ng malamang hindi pala siya ang nauna. Unti - unti na sana siyang nakakabangon sa madilim na kahapon sa tulong ng kanyang naging kaibigan sa kolehiyo na si Olga. Dahan - dahan niyang nailabas ang kanyang potensiyal sa tulong na rin ng isa pa niyang mabait na professor. Nagkakaroon na siya ng tiwala sa sarili at unti - unting nawawala ang pagiging malungkutin niya. Nakikisalamuha na rin siya sa iba. Ngunit panibagong dagok na naman sa buhay niya ng iwan siya ng walang paalam ng kanyang kasintahan. Halos araw - araw siyang nagmumok at umiyak. Dahil para sa kanya mas lalo pang lumaki ang kahihiyan niya sa buhay. Una nag magahasa siya ng sariling tiyuhin at pangalawa ng naibigay niya ang sarili sa lalaking inaakala niyang tapat ang pagmamahal. Ang buong akala niya ay maiintindihan siya nito dahil higit na mas matanda ito sa kanya subalit maling - mali ang kanyang akala. Naglaho na lamang itong parang bula pagkatapos ng may magabap sa kanila. May pag - asa pa kaya si Mara na makatagpo ng taong magmamahal ng tapat sa kanya.
Ilag sa mga manliligaw si Samantha dahil ayaw niyang magaya sa kapatid niya na nakapag - asawa sa edad na 17. Mas pinili niya ang mag focus sa pag - aaral dahil ayaw niyang biguin ang kanyang mga magulang. Dalawa lang kasi silang magkapatid kaya ninais niya na maibigay sa magulang ang nabigong pangarap ng mga ito ng maagang mag - asawa ang ate niya. Tanging ang gay friend niyang si Lorezo o mas kilala sa pangalang Lerraine ang opposite sex na madalas niyang kasalamuha. Naging ice princess ang tingin sa kanya ng mga kalalakihan dahil sa snubish niyang ugali na ipinapakita. Hanggang sa makilala niya si Vincent sa pamamagitan ng isang kaibigan ni Lerraine. Tila nagiba ang pader na pilit niyang inilalagay sa pagitan ng mga opposite sex. Kapag nakikita niya ito ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at naging malapit siya dito. Hindi naman ito nanligaw sa kanya subalit parang may unawaan ang kanilang mga puso. Wala silang pormal na relasyon. Naging madalas ang kanilang pag - uusap at kapwa sila masaya kapag magkasama. Sa araw ng pagtatapos nina Samantha at Lerraine ay nagkaroon ng pool party sa isang eksklusibong resort. Naroon din si Vincent dahil inimbitahan ito ni Lerraine. Sa hindi inaasahang pangyayari may naganap kay Samantha at Vincent ngunit pagkalipas ng nangyari ay biglang nawala si Vincent. Nagbunga ang isang gabing kapusukan, nagbuntis si Samantha. Ninais niya ipalaglag ito dahil hindi pa siya handa sa bagay na ito at isa hindi niya alam kung saan hahanapin ang ama ng bata. Pinigilan siya ni Lerraine at ipinagtapat nila s magulang ni Samantha ang totoo. Nabigla ang mga ito ngunit natanggap naman nila. Pagkatapos manganak ay pinakiusapan niya ang mga magulang na iiwan muna ang bata sa kanila at itutuloy niya ang pagpunta sa New York upang magtrabaho para sa kinabukasan nilang mag - ina. Pumayag naman ang mga ito. Hindi inaasahan ni Samantha na sa New York niya pala muling makikita si Vincent ngunit huli na ang lahat dahil engaged to be married na ito. Masakit para sa kanya ang natuklasan dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang magiging sila ni Vincent pagdating ng panahon. Nandoon naman si Lerraine sa tabi niya sa muli niyang pamimighati. Buti na lang at magkasama sila ni Lerraine sa USA para magtrabaho kaya kahit paano ay may balikat siyang iiyakan. Possessive din ang fiancee ni Vincent. Halos malusaw sa sama ng tingin nito si Samantha. May pag - asa pa kaya silang magkaroon ng happily ever after gayong may malaking balakid sa kanila na walang iba kundi Stephanie Mc Lehman?