Chapter 1
"1, 2, 3, turn…."
"Again 1,2 3, turn…"
"Very nice Emma, you're gonna blow the runway!" bulalas ng trainer nila sa gaganaping fashion show para sa collection designs ng isang sikat na designer.
"Thank you, Maggie, I would not be this good without you!" humble namang tugon ni Emma.
"You know Emms kaya mabilis kang matuto at makilala kasi napakahumble mo saka you always take note all the pointers given to you." paliwanag ng trainer.
"And keep it up, I'm sure someday you will be on top and a known model." panghihikayat pa nito kay Emma.
"I hope so Maggie, I enjoy what I am doing and I am very happy with it." sagot naman ni Emma.
"Rehearsals are over, be ready tomorrow night, bye for now." paalam ng trainer.
Naging success ang fashion show na kinabibilangan ni Emma. Masayang masaya siya at nais niya pang magkaroon ng mga susunod na fashion shows sa runway.
Freelance model siya, kaya paisa isa pa lang ang project na nakukuha niya at isa pa ay baguhan pa siyang modelo kaya hindi pa siya gaanong kilala. Umaasa siya na pagkatapos ng sinalihan niyang fashion show na ito ay marami na ang kumuha sa kanya.
Subalit parang hindi sang - ayon ang tadhana sa kanyang hangarin.
Kinabukasan nakatanggap siya ng mensahe sa magulang at pinauuwi siya sa kanilang mansion may mahalagang bagay daw silang pag - uusapan.
Bilang masunuring anak, ay agad siyang tumugon sa kahilingan ng kanyang magulang. Sinabi niyang uuwi siya sa mansion sa sunod na linggo pagkatapos ng mga bagay na inaayos niya.
Bago pa si Emma pinauwi ng magulang sa mansion ay may mga kausap na ito.
………….
"Panyero kumusta!" bati ni Hector Arriti sa kanyang kaibigan na si Ethan Smith.
Mayroon silang meeting sa isang mamahaling restaurant kasama ang kanilang kanya kanyang maybahay.
"Mabuti naman Panyero!"
"Mayroon lang ilalapit sana sa iyo kung hindi kalabisan," pahayag ni Ethan Smith.
"Mukhang seryoso na bagay yan panyero," tugon ni Hector.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, alam mo naman siguro na medyo nagkaproblema ang negosyo ko sa ngayon," saad ni Ethan
"Ikaw ang una ko nilapitan dahil may tiwala ako sayo at alam ko din na palaki na ng palaki ang iyong kompanya. Naiisip ko lang baka interesado ka na tulungan ako." alanganing salaysay ni Ethan.
"Ang ibig mo bang sabihin kung gusto kong makipag- merge sa kompanya mo?" paglilinaw ni Hector.
"Parang ganun na nga," sagot ni Ethan.
Tinawag nila ang waiter para sa kanilang orders habang tila nag - iisip si Hector.
Pag - alis ng waiter ay biglang nagtanong si Hector.
"Nasaan nga pala ang unica hija mo?" tanong n Hector kay Ethan.
"Nasa Singapore ngayon, katatapos lang ng fashion niya." tugon naman ni Ethan.
"Sige tutulungan kita at pwede nating imerge ang kompanya mo sa akin kung papayag ka sa kundisyon ko," muling nagsalita si Hector.
"Ano ba 'yon, Panyero?" makahulugang tanong ni Ethan.
"Kung kaya ko namang gawin bakit hindi, maisalba lang ang aking negosyo." sagot ni Ethan.
"Ipakasal mo ang anak mo sa binata ko!" mahinahon na saad ni Hector.
Parang nabigla ang mag-asawang Smith sa tinuran ni Hector, maging ang asawa ni Hector ay nagulat.
Dahil mula nang maging dalaga si Emma ay hinayaan nila itong nagdesisyon kung ano ang gusto niyang gawin.
"Hindi ko maipapangako Panyero, sa ngayon kakausapin ko muna ang dalaga ko," may bahid ng pag - aalangan sa tinig ni Ethan.
"Ipapaalam ko agad sayo ang kung pumayag ba o hindi." tugon pa ni Ethan.
"Panyero, alalahanin mo negosyo ang nakataya dito kaya kailangan ko ng sagot sa mas lalong madaling panahon!" madiin na tugon ni Hector.
"Paano, papayag kaya ang binata mo na pakasalan ang anak ko?" tanong naman ni Ethan.
"Ako na ang bahala sa binata ko, sa ayaw at gusto niya susunod siya!" sagot ni Hector kay Ethan.
"Huwag kang mag - alala Panyero, dahil kung sa loob ng limang taon na pagsasama nila ay hindi sila magkasundo ay maaari silang mag divorce." pahayag ni Hector.
"Marahil sa panahon na yan ay maayos na ang lagay ng iyong negosyo at mapag - uusapan na lang kung patuloy pa ba ang merging kung sakaling mag - divorce sila o hindi na." mahabang paliwanag ni Hector.
"Sige Panyero, kakausapin ko si Emma pag - uwi galing Singapore." tugon ni Ethan.
Bagama't may pag - aalinlangan su Ethan na pakialaman ang personal na buhay ng kanyang nag - iisang anak ay kinakailangan sa upang maisalba ang kanilang negosyo.
Hindi pa man niya ginawa ay tila nakokonsensya na siya dahil parang ibebenta niya ang nag - iisa niyang anak na dalaga.
"Wala na bang ibang paraan Ethan?" tanong ni Leslie sa asawang si Ethan.
"Ito na ang pinakamadaling paraan Leslie, masakit man sa loob natin kailangan nating gawi," tugon ni Ethan.
Napabuntong hininga na lang ang ina ni Emma.
"Sana ay maging maayos ang kalagayan ni Emma sa kanyang mapapangasawa," nasambit na lamang nito.
Wala siyang magagawa dahil maging siya ay galing din sa arranged marriage. Maswerti lang siya dahil mabait si Ethan at mahal na mahal siya.
Halos apat na taon ang agwat ng edad ni Jayson Arriti kay Emma, anak ni Hector Arriti. Gwapo ito, matipuno ang katawan at tila isang greek god ang kabuuang anyo. Isa na itong CEO sa edad na 29 at maraming negosyo itong pinapatakbo na pag - aari ng Arriti sa iba't ibang panig ng mundo.
Maraming babae ang nahuhumaling dito ngunit hindi nitp pinapansin dahil napapabalitang mayroon na itong pinaglalaanan nang kanyang puso na walang iba kundi si Tatyana Montenegro, isang socialite.
Si Emma naman ay single na single dahil busy ito lagi sa career niya sa pag momodelo at wala siyang oras para makipagrelasyon. Isa pang dahilan ay lihim niyang hinahangaan si Jayson Arriti.
Halos magkasabayan silang lumaki dahil magkaibigan ang pamilya ay madalas silang magkita ng bata pa sila subalit hindi ito malapit sa kanya.
Hanggang sa maging dalaga at binata na sila ay mas lalong hindi na siya napansin dahil napakaraming dalaga ang umaaligid kay Jayson kaya naman hinayaan na lang niya ito at ang tanging magagawa niya ay mahalin ito ng palihim.
Ituon niya na lang ang kanyang atensyon at panahon sa pagmomodelo at naghahangad na maturuan niya ang sarili na magmahal ng iba.