Chapter 1
"Quiet! Quiet!" Sigaw ng guro sa 3 - Sampaguita.
"Bakit ba ang ingay niyo, para kayong palaka naulanan!" galit na sigaw ng nito sa mga estudyante.
"Ma'am, Ma'am, si ano kasi…," sumbong ng isang estudyante.
"Anong ako, ikaw ….. sumbungero," agaw naman ng isa.
"Ma'am, si ano kasi, nilista ako di naman ako maingay," sabat naman ng isa.
"Anong hindi! Ikot ka pa nga ng ikot ah!" halos sabay sabay na nagsasalita ang mga ito.
"TIGIIIIL!" galit na sigaw ni Bb. Dealca, adviser ng 3rd year section Sampaguita.
"Isa - isa at magsi tahimik, balik kayo sa upuan niyo!"
"Talo niyo pa ang kinder maiwan lang saglit nagkakagulo na." patuloy sermon ng guro.
Araw - araw ganito ang sitwasyon sa loob ng klase na kinabibilangan ni Mara.
"Ok, get a ¼ sheet of paper and prepare for a quiz!" biglang sabi ng guro at nagkatinginan na lamang ang mga mag - aaral dahil kinabahan silang bigla.
Tanging isang estudyante lamang sa klaseng iyon ang madalas na tahimik, hindi rin siya pala kaibigan at may pagka malungkutin.
"Are you ready ok, number 1….. number 2….," ganuong sitwasyon lang nagiging tahimik ang section Sampaguita.
"Finished or unfinished passed your paper!" muling turan ng guro.
"Ma'am, bakit naman kasi nagbigay ka an quiz? Zero tuloy ako d'yan." sabi ni Richard sa guro, isa sa pinakamagulo sa klase.
Bigla na lang nag tawanan ang buong klase.
"Magdala ka na lang daw ng floorwax para may +5 ka," singit naman ng isang kaklase.
"O, siya Karen, asan nga pala listahan ng maiingay."
"Remember, class bawat ingay, isang floorwax." sabi ni Bb. Dealca.
"Ma'am, babatukan naman ako nito ni Nanay, floorwax na naman." reklamo ni Richard ang pinaka magulo sa lahat.
"Hindi ko kasalanan 'yan, hindi ka marunong manahimik!" sagot naman ng guro.
"Ma'am pwede utang muna? babatukan talaga ako ni nanay, kakahingi ko lang kahapon," pangungulit pa nito.
Tawanan naman ang buong klase.
Sa isang tabi naman ay walang imik lang si Mara tila nakatitig sa kawalan.
"Bakit kasi hindi niyo gayahin si Mara tahimik at mabait kaya hindi niya problema ang pambili ng floorwax kasi hindi siya nag - iingay." tugon ng guro.
"Eh Ma'am, kung hindi dahil sa aming magugulo hindi kikintab ang sahig." hirit pa ni Richard.
"At bakit mo naman nasabi yan?" Tanong ni Bb. Dealca.
"Kasi po walang magdadala ng floorwax." halos sabay sabay na sagot ng mga estudyante at sabay sabay na nagtatawanan.
"Hay naku mga pilosopo, o siya lahat yang nakalista magdala ng floorwax."
"Ok, dismiss na tayo, goodbye class, see you tomorrow, 'wag kakalimutan ichecheck ko floorwax bukas." pahabol na bilin nito bago lumabas ng classroom.
Muli namang nagkagulo ang mga estudyante dahil umalis na ang guro.
"O walang tatakas na cleaners!" sigaw ng class president.
"Maglinis kang mag - isa mo ha ha ha ha!" sagot naman ng mga boys.
"Isusumbong ko kayo kay Ma'am para dagdagan pa ang floorwax na ipapadala sa inyo!" ganting sagot naman ng president.
"Lira, huwag na tulungan na lang kita maglinis kahit hindi ako kasama sa cleaners ngayon," sabad naman ni Mara.
"O sige, libre kita paglabas natin, punta tayo sa palengke, bili tayo ng kwek kwek tsaka palamig," masayang tugon ni Lira.
"Naku 'wag na, salamat na lang, papagalitan ako pag late ang uwi ko." tugon ni Mara na tila ang lungkot lungkot.
"Mara bakit ba ang tahimik mo, saka bakit ayaw mong makisalamuha sa amin?" tanong ni Lira.
"Ha ….. ah .. eh … ano kuwan … ano kas…," tila naguguluhang sagot ni Mara.
"Anong kuwan bakit hindi mo masabi, may problema ka ba Mara? tanong ulit ni Lira.
"Ha … ah … eh… wala! ...wala….. nahi - nahihiya lang ako…. Yon nahihiya lang ako," nagkakanda - utal utal na sagot ni Mara.
"Sige na, maglinis na tayo para makauwi na tayo," dugtong pa ni Mara.
"Huwag ka ng mahihiya sa mga kaklase natin, lahat naman mga walang hiya ang mga 'yon," biro ni Lira kay Mara.
"Hindi naman sa ganun, hindi ko kasi alam kung ano sasabihin kaya tahimik na lang ako," seryosong saad ni Mara.
"Sige, bilisan na natin ang paglilinis baka hinahanap na ako sa bahay," dugtong pa ni Mara.
"Naku, strict pala parents mo, sige tapusin na natin to para makauwi ka baka kasi mapagalitan ka pa," tugon ni Lira.
Walang kibuan ang dalawa na minadali ang paglilinis ng silid aralan at pagkatapos ay nagpaalam na si Mara na uuwi na.
"O Mara, mukhang inabot ka na ala singko y medya bago nakauwi," galit na salubong ng ama ni Mara pagpasok niya sa pinto.
" Pasensya na po 'Tay, naglinis pa po kasi ako sa classroom." mahinang sagot ni Mara.
"Anong linis ng classroom, sabihin mo naglakwatsa at naglandi ka ano!" bulyaw ng tatay niya.
"Hindi po 'Tay, naglinis po talaga ako sa classroom," maiiyak niyang sagot.
"Hindi ako naniniwala, private yang pinapasukan mo tapos pinaglilinis ka ng classroom, anong ginagawa ng janitor!" singhal olit nito sa anak.
"Hindi naman po naglilinis ng classroom ng mg high school ang janitor, sa college lang po yon saka sa faculty room at saka sa grounds po naglilinis." paliwanag ni Mara sa ama.
"Ah, napaka sinungaling mo talaga kahit kailan. Ayoko ng maulit to na uuwi ka ng ganitong oras, ang bata bata mo pa, naglalandi ka na!" galit na galit na sigaw nito sa kanya
"Opo," maikling tugon ni Mara.
Pumasok na siya sa kwarto para magbihis. Hindi talaga niya maintindihan bakit ang init ng dugo sa kanya ng tatay niya.
"Bakit ganun hindi ba niya ako anak?" tanong niya sa sarili na humihikbi.
Sa tuwing wala ang nanay niya sa bahay ay laging ganun ang sitwasyon nila ng ama niya. Wala siyang ginawa na tama para sa paningin nito. Pero hindi naman niya magawang magsumbong sa ina niya baka hindi ito maniwala. Dahil sa tuwing nasa bahay naman ang ina niya ay tila pagakabait - bait sa kanya ng kanyang ama.
Pumunta na siya sa kusina upang magluto dahil dadating ang kanyang ina . Umuuwi ito bandang ala siyete na ng gabi.
Namamasukan kasi ito bilang kasambahay. Umaalis sa umaga at gabi na kung umuwi.
Nakag - aral lang siya private school dahil miscellaneous lang binabayaran niya, nakapasa kasi siya sa exam para sa subsidized students.
Kahit mahirap sila sinisikap niyang makapag - aral. At ang paaralan ang naging kanlungan niya upang maiwasan ang laging galit niyang ama.