Chapter 2

1037 Words
"Mara, hiramin ka daw ni Gng. Hidalgo sa Biyernes ng hapon hanggang Linggo ng umaga," wika ng nanay Mara na kadarating lang. Ang pamilya Hidalgo ang pinagtatrabahuhan ng ina ni Mara na si Aling Nelia. Mababait ang mga ito at matulungin din. "May pasok pa po kami Nanay na Biyernes ng hapon," mahinang sagot ni Mara. "Pagdating mo galing sa paaralan ay magbihis ka kaagad at pumunta ka na doon," turan ni Aling Nelia . "Hihintayin kita nanduon pa naman ako sa mga oras na 'yon," tugon naman ni Aling Nelia. "Babayaran ka niya sa pagtulong mo sa kanya sa mga gawain," saad pa ni Aling Nelia. "Opo 'Nay, punta po ako doon sa Biyernes," sagot ni Mara. "Agahan ko na lang po ang uwi, magpapaalam na lang po ako sa adviser namin," tugon ni Mara. Ang ama naman ay nakikinig lang sa usapan ng mag - ina. Ni hindi kumukontra o sumasang - ayon. Lingid sa kaalaman ni Aling Nelia mas gusto ni Mara na nandoon siya kina Gng. Hidalgo sa tuwing walang pasok dahil sa tuwing nasa bahay siya ay galit na galit sa kanya ang ama niya. "Kailangan mong doon matulog kasi isasama ka daw na mamalengke ng maagang maaga sa araw ng Sabado para makabili ng mga sariwang gulay at prutas." muling sabi ng kanyang ina. "Opo, ok lang po," matipid niyang tugon sa ina. "Good Morning class! Aba himala at mukhang tahimik ang ating mundo ngayong umaga!" bati ni Bb. Dealca sa kanyang mga mag - aaral. "Good morning Ma'am!" galak na bati din ng mga estudyante. "Wala po kasing pambili ng floorwax kaya tahimik," sabat ng isa sa mga estudyante. Bigla namang tawanan ang buong klase maliban kay Mara na nakayuko lang. "Yan marunong naman pala kayong tumahimik," sagot ng guro. "Tsaka baka bigla mo naman kami pakuhanin ng ¼ sheet of paper, wala po kaming maisasagot, baka zero na naman kami," sabad ni Richard na pinakamagulo sa klase. "Ha haha ha!" tawanan ang buong klase. "Ikaw lang naman ang zero." kantiyaw naman ng isa. "O siya tama na yan, magsimula na tayo ng lesson para sa araw na ito," wika ni Bb. Dealca. Naging masigla ang talakayan ng buong klase halos lahat ay nagtataas ng kamay upang sumagot. Subalit si Mara ay nakatingin lang sa kanila na tila ang lalim ng iniisip. "Mara, bakit hindi ka sumasali sa talakayan?" tanong ni Bb. Dealca. "Ma'am ano po kasi..," tugon ni Mara na hindi maituloy tuloy ang sasabihin. "Ma'am mahiyain po kasi siya," agaw ni Lira. "Pero alam naman po niya ang mga sagot Ma'am sa tanong niyo, nahihiya lang po siya magtaas ng kamay." patuloy pa na paglalahad ni Lira. "Bakit may kili - kili power ba siya? Kaya nahihiya magtaas ng kamay," biglang sabat ni Richard. "Stop it Richard! Hindi magandang biro yan," saway ng guro nila. "Ay sorry po Ma'am," bawi nito na tila napahiya. "Mara, alam ko naman na may alam ka dahil nakikita ko sa mga resulta ng written exams mo. Maaari ba kitang makausap mamamaya bago ka umuwi?" tanong ng guro sa kanya. "Opo Ma'am," sagot niya na tila kinakabahan siya. Paano ba niya ipapaliwanag sa guro niya bakit ganun ang kilos niya? Parang gusto tuloy niyang matunaw na lang kaysa kausapin siya ng guro ng masinsinan. "Mara, bakit hindi ka mapalagay diyan sa upuan?" tanong ni Lira. "Natatakot kasi ako," sagot ni Lira "Bakit ka naman matatakot? Wala ka namang ginawang mali saka mabait naman 'yan si Ma'am." paliwanag ni Lira. "Hindi ko kasi alam bakit kailangan niya akong kausapin," tila wala sa sariling sabi niya. "Gusto mo samahan kita?" tanong ni Lira. "Hin…. Hindi na siguro. Ok lang ako…," alanganing tugon niya. "Ikaw, bahala basta pag kailangan mo ng kasama sabihan mo lang ako, sasamahan kita." panghihikayat pa ni Lira. "Salamat Lira, pero ok lang ako," sagot niyang nakayuko. Kinahapunan pumunta si Lira sa faculty room dahil doon siya pinapupunta ni Bb. Dealca. "Good afternoon Ma'am," bungad niyang bati pagpasok niya sa faculty room. Si Bb. Dealca lang ang naroon na guro, marahil ay kinausap nito ang ibang guro upang magkaroon ng privacy ang pag - uusap nila. Dahil alam nga nitong mahiyain si Mara. "Good afternoon, halika upo ka dito." turo ng guro sa upuan sa tapat niya. "Marahil nag - iisip ka bakit kita pinatawag," saad nito sa kanya. Hindi kumibo si Mara nakayuko lang ito at pinaglaruan ang mga daliri. "Hindi lang kasi ako ang nakaka - pansin sa'yo, halos lahat ng guro napapansin na hindi ka sumasali sa mga talakayan sa klase pero matataas naman ang mga nakukuha mong marka sa mga written exams." patuloy pa nitong salaysay. "Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong Mara. "May problema ka ba Mara?" tanong nito sa kanya. "Wa… wala po Ma'am," sagot nitong hindi makatingin ng diretso sa guro. "Nagtataka lang kasi kami kami kasi madalas naming mapansin na parang wala ka sa sarili, parang ang lalim lagi ng iniisip mo." dagdag pa ng guro. "Alam kong matalino ka dahil sa mga nakukuha mong marka. Kaya nagtataka kami bakit hindi ka sumasali sa talakayan." patuloy na sabi ni Bb. Dealca. "Nahihiya lang po ako Ma'am," alanganing sagot ni Mara. Hindi niya magawang ipagtapat ang totoong Dahilan. "Hindi naman sila maniniwala kung sakaling magsabi ako ng totoo," sa loob loob niya, ngunit hindi naman niya masabi. "May sinasabi ka ba Mara?" tanong ng guro sa kanya. "Ah… eh…. Ma'am wala po…. Wala po Ma'am," mahinang sagot niya. "Paano kita matutulungan kung ayaw mo magsabi kung ano ang naiisip mo?" muling tanong sa kanya ni Bb. Dealca. "Ah ….eh … ano kasi….ano kasi Ma'am….," paputol putol niyang sabi. "Ano 'yon? Anong gusto mong sabihin?" panghihikayat nito sa kanya. "Ano kasi po, nahihiya po ako, baka po pagtawanan ako pag mali ang sagot ko," mahinang tugon niya. "Iyon po ang dahilan Ma'am, nahihiya po ako at baka pagtawanan nila ako," ulit niya. "Bakit ka naman pagtatawanan? Dahil sa maling sagot?" tanong ng guro. "Di ba nakikita mo naman sa mga kamag - aral mo na nagkakamali din sila ng sagot pero hindi naman pinagtatawanan." paliwanag nito kay Mara. "Mali man o tama ang sagot ang mahalaga sinubok mong sumagot," patuloy pa nitong paliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD