Her POV Habang naglalakad kami ni Secretary Jean alam ko sa sarili ko na andoon pa din ang inis niya. Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. Ayaw niya pa din maniwala sa akin na wala namang something sa amin ni Hiro sadyang napaka mapilit lang niyang tao at iyon ang nakakainis. “So I hope natandaan mo lahat ng sinabi ko. As assistant kailangan saulado mo iyan dahil ikaw na ang magsasabi ng mga bagay na iyan kay Hiro,” seryoso niyang sabi. Napatango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. “I hope wala ka nang mga tanong dahil ikaw ang assistant na pinili so, I expected na alam mo na talaga ang trabaho dahil hindi ka naman kukunin kung hindi mo alam ang trabaho hindi ba?” sambit niya sa akin. “I can ask Hiro naman siguro kung hindi ko alam yung gagawin

