Her POV Maaga akong nagising upang mag-ayos ng mga kailangan ko. Naglinis na agad ako ng condo ni Sam pati na din nagluto na. Wala kasi siya dito sa condo nandoon muna siya sa parents niya dahil nga hinanap ako ni Tristan, pero hindi naman ako makapunta doon dahil sa trabaho ko dito. Isa pa kailangan ko na din maayos ang lahat ng bagay na kailangan ko para kapag hinarap ko na ulit ang anak ko meron na akong mga sagot sa mga itatanong niya sa akin. Matapos kong mag-ayos agad na akong umalis sa bahay at agad na tumungo sa bahay ni Hiro. Pagdating ko doon nagmadali na akong pumasok sa loob ng bahay niya. Pumunta agad ako ng kusina dahil kagaya ng sinabi ni Kuya guard eh nandoon daw sa kusina si Hiro at nagluluto. Nagulat naman ako pagpunta ko doon eh nakaamoy agada ko ng mabango na pagk

