His POV Napadilat ako dahil sa malakas ba tugtog na naririnig ko. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan galing ang tugtog na iyon. Pwede bang respetuhin nila yung mga tao na natutulog. Akala ko ba nice at hindi baribal ang mga nakatira dito bakit kailangan magkaroon ng ganitong mga tugtugin ng ganito kaaga? Napabangon ako sa akin hinihigaan, agad naman akong napahawak sa aking ulo dahil sa sakit na naramdaman ko. Napatingin naman ako sa suot ko at nagulat ako nang makita na nag-iba na ito kesa kahapon. F*ck sino’ng tao na naman ang nangialam sa akin ng hindi ko alam? Agad akong tumayo sa aking kinahihigaan, medjo gumaan nadin ang pakiramdam ko. Tanda ko na nandito si Kim kahapon pero for sure namang umalis na yung babaeng iyon. “Kuya!” sigaw ko. “Kuya Jeff!” sigaw

