Her POV Bigla kong nakita na nawalan siya nang malay kaya bago pa siya matumba dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya at sinalo siya kahit ang bigat-bigat niya. “K-Kuya! Kuya tulong!” sigaw ko sa guard. Nagmadali na pumasok sa loob ang guard at sinaklolohan ako. Kinuha niya si Akihiro at siya ang nagdala paakyat sa kuwarto nito. Napatingin lang naman ako kay Akihiro habang inaakyat siya ng guard. Talagang bang may sapak ‘tong lalaking ito? Ano bang ginagawa nito, nagmadali pa ako na makapunta dito kahit na sobrang traffic tapos ganito lang gagawin niya. Pagdating namin sa kuwarto niya, agad siyang hiniga ni Kuyang guard sabay lumabas. Napahinga lang ako nang malalim sabay napatingin lang sa kanya na walang malay na nakahiga. “Sino ba kasi yung tumawag bakit ba tayo nagmamadali

