His POV “Paki-ayos yung mga tables dito,” utos ko sa kanila. Napahinga lang ako nang malalim habang nakatingin sa aking orasan. “Bilisan ninyo ang pagkilos!” inis na sabi ko. Bigla namang pumasok si Jean sa loob ng opisina ko dala-dala ang mga papers. “Ito na yung hinihingi ninyo na record mula sa July stocks,” sambit niya sa akin. Napatango na lang ako sabay kinuha ito. “Bakit maglalagay ng extra desk dito? Meron naman akong desk sa kabila, besides hindi ba nila mahahalata kung ano yung ginagawa natin dito?” tanong niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko sabay napatingin sa kaniya. “Ano’ng sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. “Why did you insist na sa ‘yo yung desk na pinapalagay ko?” tanong ko sa kaniya. Bumalik naman ako ng tingin sa papers na tinitignan ko at pilit na inaaral ang

