Her POV Pumunta muna kami sa pamilya ni Sam para doon iwan si Tristan. Nag-iisip-isip muna din ako na doon muna si Tristan dahil baka lagi akong tawagan ni Hiro. Desidido na ako sa balak kong gawin. Alam ko na medjo mahirap pero wala naman na akong choice kung hindi ang gawin ito. “Ano bang ginagawa ninyong dalawa? Bakit ninyo naman dito papatirahin si Tristan?” tanong sa amin ni Tita. “Mom, madami kasing problema, at tsaka magta-trabaho na din ako, walang mag babantay kay Tristan sa condo kaya mas better siguro na dito muna siya,” sambit ni Samantha sa Mom niya. “Mommy, iiwan mo ako dito?” biglang tanong ni Tristan. Napatingin naman ako kay Sam sabay sinenyasan niya ako na para bang gumawa ako ng ipapalusot. “Ah, Tantan, pupunta naman ako dito kapag tapos ng work, tapos kapag wal

