Her POV “Ang gwapo no?” tanong ni Maricel sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang tanong. “Ano’ng sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay napatingin sa likuran namin kung saan nakita ko ang lalaki kasama si secretary Jean. “Ayon oh, yung kasama ni secretary Jean.” Turo niya sa akin. Napatingin na lang ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Alam mo kung sino-sino na naman ang nakikita mo. Baka mamaya boyfriend ni secretary Jean iyon tapos maagaw mo.” Napatawa naman siya na para bang nakakatawa yung sinasabi ko. “Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?” tanong ko sa kaniya. “Hindi mo ba kilala yung lalaking iyon?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sabay napailing-iling bilang sagot sa kaniyang tanong. “’Yun yung may-ari ng comp

