His POV “Sige po una na ako, asahan ninyo po hindi ko po sasabihin yung mga nakita ko.” sambit niya sa akin. Akmang aalis na siya pero agad ko siyang hinawakan sa kaniyang kamay. “Sir, meron pa po kayong kailangan?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng inis dahil sa sinasabi niya sa akin ngayon. “Hindi mo talaga ako kakilala?” tanong ko sa kaniya. “Sorry po ngayon ko lang po talaga kayo nakita eh,” sambit niya sa akin. Binitawan ko siya sabay naglakad na papaalis. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa tuwing tinatanggi niya na hindi niya ako kilala. Ano bang nangyari sa kaniya? Talaga bang kakalimutan lang niya ako ng ganon-ganon? Agad tumunog ang aking cellphone kaya nagmadali akong pumunta kung saan si Jean. Pagdating ko doon agad siyang lumap

