Her POV “Saan ka galing?” tanong sa akin ni Cedric sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napatingin sa gawi kung saan ko nakita ang boss naming si Akihiro. “Doon lang, me-meron lang akong pinuntahan,” sambit ko sa kaniya. Pero ang totoo talaga, sinundan ko kanina yung boss namin lalo na nung nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Hindi ba malapit siya kay secretary Jean? Bakit naman ngayon nakikipagkita siya sa ibang babae? Alam ko na matanda na siya pero nakakapanibago pa din na malalaman mong merong nangyari sa kanila doon sa loob. “Huy, ano bang iniisip mo? Nakatulala ka na jan.” napangiti naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “W-wala, meron lang akong iniisip. Oo nga pala asaan si Maricel?” agad kong pag-iiba ng topic. “Andoon na sa dagat ang tagal mo daw kasi ka

