Her POV Pinilit ni Hiro na pumunta kami sa bahay namin kahit na ayaw ko. Hindi ko alam parang meron akong kakaibang nararamdaman na siyang naghuhudyat sa akin na huwag ituloy ang bagay na ito dahil pakiramdam ko merong kakaibang mangyayari. “Ganito pa din pala dito,” sambit ni Hiro. “Parang kailan lang nung huling punta ko dito ah, nagalit pa sa akin yung parents mo,” natatawa niyang sabi. Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa kinukwento niya, pero ang totoo no’n hindi ko naman matandaan ang bagay na sinasabi niya. “Ate?” napatingin ako sa bakuran ng marinig ko ang pamilyar na boses. “Ate Kim!” nagmadaling tumakbo ang lalaki kong kapatid sabay niyakap ako. “Ate Kim bumalik ka na.” Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak dahil muli, nakita ko yung mga kapatid ko. “Anak?” napatingin nam

