Chapter 5

2213 Words
Her POV Nagising ako dahil sa sikat ng liwanag sa labas. Masakit ang ulo at medjo nahihilo pa. Nakaramdam din ako ng masakit sa baba ko na siyang dahilan kung bakit ako nahihirapan makaupo ng maayos. Napatingin ako sa puting kobre kama at nakita ko doon ang bakas ng dugo. Unti-unting tumatakbo sa utak ko ang mga nangyari kagabi kung saan nag-aagaw ang ulirat ko at ang pagkalasing ko. Hindi ko alam na ginawa ko ang bagay na iyon dahil lang lasing ako? Napahawak lang ako sa ulo ko upang indahin ang sakit. Napalinga-linga ako sa paligid upang tignan kung asaan ang lalaki na kasama ko kagabi, pero wala akong makitang kasama dito sa loob ng kuwarto. Kinuha ko ang damit ko na siyang nasa sahig at sinuot ko at lumabas upang silipin kung andoon siya, pero nabigo akong makita siya. Napahawak lang ako sa dingding bilang gabay ko pabalik sa loob ng kuwarto. Napansin kong muli ang mantya sa kama mula sa dugo ko. Lumabas na lang ako ng kuwarto at sinarado ito, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang gabing iyon. Nagulat naman ako ng bigang may pumasok sa loob ng bahay na siyang dahilan upang mapasigaw ako. “Ahh nandito pa pala kayo ma’am,” sambit niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napa-bow. “Hindi Kuya, sumilong lang ako dito kasi kagabi malakas ang ulan eh,” sambit ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. “Ah Kuya pwede po ba mag tanong?” “Ano po iyon?” tanong niya. “Ah, may nakita kang lalaki na kasama ko dito kagabi?” tanong niya sa akin. “Ah, sorry ma’am pero ikaw na lang po yung nandito eh. Sabi din po kasi ng babae sa akin kanina, na bantayan daw kayo at huwag galawin. Oo nga po pala kanina po kasi sabi ng babae sa akin kapag nagising na po kayo tawagan ko daw po siya gusto daw po niya kasi kayo makausap eh.” Kinuha niya ang cellphone niya sabay may ni-dial bago binigay sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya at nag-aalangan na kunin ang cellphone. “Uhm, hello?” nag-aalangan kong sabi. [“Buti naman at gising ka na, siguro naman natauhan ka na din sa mga nangyari kagabi sa inyo ng anak ko ‘no?”] tanong niya sa akin. “Po?” [“Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Alam ko naman na natatandaan mo kung bakit ka andito sa sitwasyon na ito ‘di ba? Dahil inaya ka ng anak ko na makipagtanan. Pero sorry to say, lahat ng sinabi ng anak ko ay isang malaking kasinungalingan lang.”] Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya sa akin. [“Hindi ko alam kung bakit pumayag ka na makipagtalik sa lalaking ang tingin lang naman sa mga babae ay isang parausan. Hindi ko alam na ganito pala kagaling si Akihiro makipaglaro ng babae na pati ikaw na isang matalino at may pinag-aralan Madali lang niya nabihag.”] Napatigil ako dahil sa sinabi niya nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya. “A-akihiro?” tanong ko. [“Akihiro Xavier Demitri.”] “Alam mo kung wala kang balak gawin dito, iiwan na kita ah, tignan mo naman intrams magbabasa ka jan ng science lecture.” “Sam, sige na alam mo naman na hindi ako nag-e-enjoy sa intrams ‘di ba. Isa pa ano naman ang gagawin ko doon, mag-cheer ng hindi ko kilalang tao?” tanong ko sa kaniya. “Girl yung PEH subject mo, nasisiraan ka na, alam mo naman na nambabagsak yung PEH subject natin eh, isa pa may grades din ito, paano ka magiging valedictorian niyan,” sambit niya sa akin. Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. “Bakit naman kasi kailangan pa sumali sa ganiyan-ganiyan hindi ba kayo napapagod?” tanong ko sa kaniya. “Napapagod din kami, mag-aral. Kaya nga merong ganito na event eh, ikaw hindi ka ba napapagod magbasa-basa ng mga lesson jan, enjoy ka naman minsan lang ‘to mangyari sa buhay natin hindi mo pa i-enjoy.” “Ayaw ko ikaw na lang,” sambit ko. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko sabay hinatak ako patayo sa inuupuan ko. “Tara na, i-cheer mo naman yung kaibigan nating si Kris. Magtatampo iyon sa ‘yo eh.” “Okay fine pero tatabihan lang kita ah.” Agad niya akong hinatak patungo sa quadrangle at pumwesto sa pinaka harap malapit sa mismong naglalaro. “Bakit dito pa tayo umupo? Doon na lang tayo sa likod,” sambit ko sa kaniya. “Dito na para makita agad tayo ni Kris at makita mo naman yung galing niya na sumipa,” sambit niya sa akin. “Ano ba laro nila?” tanong ko sa kaniya “Sepak takraw.” Napatango na lang ako at muling natuon ang sarili ko sa pagbabasa. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nakarinig ako ng malakas na hiyawan at sigawan. “Kaya ayaw ko manood dito eh napaingay nila,” reklamo ko sa kaniya. “Alam mo manood ka, exciting kaya ito kasi yung mga best players natin sa sepak takraw maglalaro, tignan mo iyon, iyon yung isa sa magaling din natin na player eh si Akihiro.” Kahit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya napatango-tango lang ako. “Buti nahatak mo iyan dito, huy.” Nagulat naman ako ng biglang nawala ang hawak kong libro. Napatingin ako sa kumuha nito at nakita ko si Kris na na sa harapan ko. “Akin na nga yung libro ko Kris.” “May laro ako oh, manood ka naman,” sambit niya sa akin. Napahinga lang ako nang malalim sabay inilayad ang kamay ko upang kunin ang libro. “Manood ka, muna, tsaka ko ibibigay ‘to, enjoy.” Agad siyang naglakad papalayo sa amin tangay-tangay ang libro ko. “Kris yung libro ko!” agad naman akong piniligalan ni Sam. “Mamaya natin kukunin, manood ka muna kasi, promise mag-e-enjoy ka.” Napahinga na lang ako nang malalim at walang nagawa kung hindi ang manood. Through out the game hindi din naman ako nag-enjoy dahil wala akong ibang inisip kung hindi kunin ang libro ko na na sa upuan ni Kris. Tumayo na ako sa aking inuupuan at naisip na pumunta sa kabilang bench upang kunin ang libro ko doon at umalis. Successful naman akong nakarating doon, ang kaso nagkaroon ng time out sa laro kaya yung mga players ay pabalik na sa bench. Nagmadali na akong umalis sa bench na iyon at tumungo sa lugar na wala gaanong tao. Ang hirap makipag-socialize kapag hindi ka naman talaga sanay so no choice na lang ako na lumayo doon at tumungo sa lugar na wala namang medjong tao. Doon ko na lanh tinuloy ang pagbabasa ko habang pinapakiramdaman ang malakas na ihip ng hangin. Okay na din iyong ganito kaysa naman makipagsiksikan ako doon, hindi ko naman kilala yung mga player na naglalaro doon. Maya-maya ay humina na ang sigawan sa quadrangle, maybe tapos na yung laro. Naisipan ko muna na magpahinga kaya ang libro na binabasa ko ay siyang ginawa kong pangharang sa mukha ko. “Trip mo talaga ang mag-isa no?” Napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagsasalita niya. Napatigil ako sa aking pagbabasa at napatingin sa kaniya. “Sorry?” tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa damit niya at nakita ko na kabilang din siya sa sepak takraw player na naglaro kanina dahil parehas sila ng damit ni Kris. Napangiti lang siya sa akin sabay umupo sa tabi ko. “Ganon ka ba talaga ka grade conscious at ang buong paligid mo hindi mo na pinapansin?” tanong niya sa akin. Napahinga lang ako nang malalim sabay napatingin muli sa binabasa ko. “Madami akong pangarap sa buhay.” “Talaga, so ibig sabihin ba sa pag-aaral mo lang makukuha yung pangarap na ‘yun?” tanong niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko at napatingin sa kaniya. “Sorry? Hindi ba kaya tayo nag-aaral para makakuha ng magandang career, makuha yung pangarap natin. So yeah, I guess tanging pag-aaral lang ang way para makuha mo yung pangarap mo.” “Hindi din, paano yung mga taong walang kakayahan mag-aral? Wala na ba silang tsansa na yumaman kahit na nagsisikap sila?” bato niya sa akin. Sinarado ko ang libro ko at tinignan siya ng seryoso. “Ano bang point mo, bakit kailangan mo pang pakialaman yung pag-aaral ko dito?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay inilagay ang kaniyang baba sa kaniyang kamay habang ito ay nakapatong sa sandalan ng upuan. “Finally, tumingin ka din sa akin.” Napatingin naman ako sa paligid at napansin ko ang ibang mga estudyante na nakatingin sa amin at yung iba parang pinapatay na ako sa mga tingin nila. Sino ba itong lalaking ito? “Hayaan mo sila, they’re just bothering us. By the way, Akihiro, Akihiro Xavier.” Sabay lahad niya ng kamay niya. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “I’m not interested, sorry.” Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para makaalis na. Pero agad siyang humarang sa akin. “Okay fine, kilala naman kita eh, Anastasia Kimberly Dela Cruz, right?” tanong niya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tatanungin ko pa dapat siya pero bigla namang may tumawag sa kaniya. “See you around, Kim,” ngiti niyang sabi sabay takbo papalayo sa akin. Nagkaroon kami ng pag-uusap ni Akihiro sa isang prom night namin, we talk shortly, kumustahan, pero hindi ko din nakita ang mukha niya and analyzes him that night dahil may suot kaming harang sa mata namin. Gusto ko pang makipag-usap sa kaniya kasi ang interesting niya but I need to left that day dahil wala akong choice, sinugod si Papa sa ospital no’n. But after that time, hindi na kami ulit nagkausap o nagkita ulit. Yes, I know him as Akihiro, pero hindi ko naman kilala ang buong pagkatao niya, dahil wala ako sa lugar para pakialamanan ko ang buhay niya. Pero that day doon ko pala makikilala ang lalaking matagal ko ng hinahanap. “Si Akihiro po yung anak ninyo?” [“Bakit hindi mo ba kilala ng lubusan ang anak ko? I doubt it, kilala si Akihiro ng mga tao bilang magmamay-ari ng Tech Company na pinagmamay-arian ng Demetri.”] “Pwede po ba siya makausap, andito pa po ba kayo?” tanong ko. Agad akong lumabas ng bahay na tinutuluyan namin. Pero hindi na sumagot ang babae sa kabilang linya at binaba na ito. Binalik ko naman agad ang cellphone kay Kuya at nagmadali na tumakbo sa labas upang hanapin sila. I tried to look for him, naalala ko kasi yung sinabi niya sa akin nung prom night namin. “Ang hirap maging ako, sobra isipin mo na lang yung lugar na ito, malaki pero punong-puno ‘yan ng nagbabantay sa akin. Kaya if meron time na magkaroon ulit tayo ng interaction at nawala ako, search for me. Madali lang akong mahanap, medjo matagal nga lang kasi syempre si Mom ang kasama ko, maghirap kumawala.” “Bakit naman kita hahanapin, eh kahit nga mukha mo hindi ko nakikita ngayon eh.” “Soon, ipapakita ko sa ‘yo. Basta gawin mo yung sinabi ko.” “Bakit naman?” “Urge ko sa sarili ko, kasi sinuway ko na yung Mom ko malapit na ako makawala nararamdaman ko, onti na lang iyon. And if that happen dapat ikaw ang dahilan no’n para naman mas worth it yung pagsusuway ko hindi ba?” Hindi ko alam kung bakit iyon ang susundin kong bagay, pero I tried my best to find him, kaso hindi ko alam kung saan siya makikita o saan siya mahahanap. Pero naglakad lang ako, until I reach the highway. Wala gaanong sasakyan sa lugar pero meron akong nakitang isang sasakyan sa daan. Biglang bumukas ang bintana no’n at nakita ko at naaninag ko ang pamilyar na mukha. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Akihiro. Papunta na ako doon pero meron siyang sinesenyas sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi niya dahil nakabusal ang bibig niya. Hindi ko akalain na totoo nga ang sinasabi niya na wala siyang kalayaan. Bigla niyang natanggal ang busal niya at narinig ang sigaw niya. “Bumalik ka na!” Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ililigtas ko ba siya o hindi pero kagaya ng paulit-ulit niyang sigaw na bumalik na ako kaya iyon ang gagawin ko. Ang kaso bago ko pa magawa iyon, naramdaman ko na lang na merong tumulak sa likod ko dahilan upang mapunta ako sa gitna ng kalsada. Ang akala ko tapos na iyon pero hindi pa. Dahil nahagip ako ng isang mabilis na sasakyan dahilan upang mapatilamsik ako sa kalayuan. Parang isang mabilis na pangyayari lang na dumaan sa buhay ko, masakit ang naramdaman ko ng bumagsak ako sa sahig. Tanging sakit ang nararamdaman ko pero hindi ko magawang humingi ng tulong dahil sa panghihina ng katawan ko. “Kim!” ang huling tinig na narinig ko, matapos sumunod ang pagdidilim ng aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD