Her POV “Sigurado ka ba talaga sa gagawin natin?” tanong ko sa kaniya. “Wala nang atrasan ito, Kim. What if buhay pa nga talaga ang anak mo. Need mo siyang kunin sa masama niyang Lola,” sambit ni Sam sa akin. “Sige na Kuya pahukay na kasi andoon na yung pinapunta kong doctor para kumuha ng DNA jan,” sambit ni Sam. Napahinga naman ako nang malalim dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko lubos maisip na gagawin ko ang bagay na ito. Muli kong huhukayin ang bangkay na siyang dahilan kung bakit ako nasasaktan. Nakatalikod lang ako nang makita kong inilabas na nila ang maliit na kabaong. Kahit na sabihin na may malaking posibilidad na hindi ko anak ang na sa loob ayaw ko pa din itong makita dahil bilang isang Ina masakit sa akin na makita ang bangkay ng anak. Agad naman humawak sa aki

