Her POV “Huy andito ka na pala.” Napatingin naman ako sa tabi ko nang makita ko si Sam. “Ang tagal mong nawala ah, saan ka nagpunta?” dagdag niya. Napangiti naman ako sa kaniya sabay yakap sa kaniya. “Anjan ba si Tristan?” tanong ko sa kaniya. Agad kaming umakyat sa condo niya at pagdating ko doon nakita ko si Tristan na nakaupo lang at nanonood ng TV. Agad ko siyang nilapitan sabay niyakap nang mahigpit. “Mommy, buti umuwi ka na,” masaya niyang sabi. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya. “Mommy saan po ba kayo galing? Pumunta kami dito ni Lola kahapon sabi ni Tita Sam wala ka daw dito dalawang araw na,” sambit niya sa akin. Hinawakan ko naman ang kaniyang mukha sabay binigyan siya nang isang ngiti. “Hindi ba sabi ko sa ‘yo TanTan merong ginawa si M

