Her POV Hanggang pag-uwi namin sa condo niya nakita ko ang pagkabalisa ni Samantha. Hindi ko naman alam kung paano ko siya papakalmahin dahil hindi talaga siya makausap ng maayos kanina pa sa sasakyan. “Huy ayos ka lang ba Sam? Kanina ka pa balisa,” sambit ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin sabay napangiti. “Ayos lang ako, magpahinga ka muna para makaipon ka ng lakas,” sambit niya sa akin sabay talikod muli sa akin. “May problema ka eh, ano iyon sabihin mo na sa akin,” sambit ko sa kaniya. Napaharap siya sa akin ng seryoso. “Huwag ka ng magpakita kay Akihiro, sa boss ninyo.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya sa akin. “Huwag na nating hanapin yung Tatay ni Tristan,” sambit niya sabay napatingin kay Tristan. Hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi niya. Nun

