Her POV Maaga akong nagising upang ayusin ang mga gamit ko. Maaga din kasi kami aalis para magkaroon ng paghahanda para sa pasok namin next following days. Yung pag-uusap namin kahapon ni Secretary Jean ay hindi naging maayos dahil sa galit niya na hindi ko naman alam kung ano ba ang pinaghuhugutan niya. I understand na gusto niya yung boss namin na si Akihiro pero bakit sa akin niya binabato yung galit niya? “Okay na yung gamit ko, Kim, tapos na ba yung iyo?” tanong niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. “Malapit na ako, anjan na ba yung sasakyan?” tanong ko kay Maricel. “Sabi nila malapit na daw eh,” wika niya. Napatango naman ako sa kaniyang sinabi at nagpatuloy lang sa pag-aayis ng gamit ko. Lumabas muna si Maricel para magpahangin at i-enjoy ang malamig na hangin sa la

