Her POV “M-magkapatid kayo ni Akihiro?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay naglakad papalayo sa akin. “Yeah, kapatid ko si Akihiro,” sambit niya. “Xia, mag-ayos ka na sa kuwarto,” utos naman niya agad sa anak niya. “Pero hindi naman full, sa ama lang. Kasi yung Tatay namin hindi ko alam kung ano ang nainom, at ayon nakipagkita sa Nanay ko tapos merong nangyari, at nabuo ako. Pero hindi pa ako nakakalabas, nabuo na din si Akihiro, isang buwan lang agwat namin, same na 27 ang birthday namin, pero ako September, siya October.” Napatango-tango lang ako bilang sagot sa kaniya. Agad niyang sinundan ang anak niya sa loob ng kuwarto. Napatingin naman ako sa pictures doon sa table. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at tinignan ang mga iyon. Nakita ko ang mga pictures niya nung kab

