Her POV “Minahal ko?” hanggang ngayon tumatakbo pa din sa isipan ko ang mga sinabi ni Sam sa akin kanina. Hindi ako makatulpg dahil sa kakaisip ng bagay na iyon, paano nangyari at paano napunta sa ganitong sitwasyon ang lahat. Napabangon ako sa aking kinahihigaan at nagbihis na lang, naisipan ko munang lumabas muna para kahit papaano ay matungo ko ang sarili ko sa ibang bagay. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at bumaba na patungo sa parking lot. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng isip ko, pero hinayaan ko lang ang sarili ko na dalhin ako sa isang lugar na hindi ko alam at alam ko na mahahanap ko ang mga bagay na hinahanap ko. Madaming alaala na kumukulit at pilit ko na maalala pero ni isang bahagi talaga wala akong maalala. Gusto kong maniwala sa sinasabi nilang lahat sa akin, p

