Chapter 1

1902 Words
“Look at her. She is such a thick-faced slut. Ni hindi man lang siya nahihiya sa mga pinaggagawa niya,” That was what I heard while passing by the corridor. I am on my way to the cafeteria when I passed by the girls flocking at the side. They were looking at me and even though they looked away when they saw me looking, I know that they were talking about me. I stopped in my tracks and turned to them completely. Nagulat sila nang makita akong nakaharap na sa kanila. I smiled at them before I walked toward them. I stopped right in front of them. I opened my bag and took my wallet out. “I am really sorry, this is all I have as of the moment,” I said while taking my money out of my wallet. “Here,” ani ko at inabot ko sa kanila ang pera na nakuha ko ssa wallet ko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo nila, nagtataka sa kung bakit ko sila inaabutan ng pera. Well, ayaw ko naman talaga na iabot sa kanila ‘to. Ibinigay lang kaya ito ng boyfriend ko. Wala na akong pera kapag ka kinuha nila ‘to. Hindi pa kasi ako nabibigyan ng pera ni Lola. Pang-intimidate ko lang sa kanila ‘to eh. “Para saan ‘yan?” tanong noong babae sa gitna. If I am not mistaken, this group is one of my biggest haters. Ewan ko sa kanila. Hindi ko naman sila inaano pero galit na galit sila sa akin. “This money is for you. You can use this to find another hobby,” nakangiting sabi ko sa kanila. “Naawa na kasi ako sa inyo eh. Parang ako lang ang nagiging kasiyahan niyo.” Tumaas ang kilay nila pero lalo na iyong nasa pinakagitna. Itinaas ko din ang dalawang kilay ko. “Ayaw niyo?” tanong ko sa kanila sabay kibit-balikat. I took it as a signal to return my money back to my wallet. Mahirap na, baka kunin nila ng totoo. Hindi ko na mababawi pa iyon kapag ka nagkataon. “Okay, your loss,” sabi ko at tumalikod na sila. Napatigil lang ako nang may maalala at agad na binalingan ulit sila. “Next time, if you have no one else to talk about, just shut your mouth. I don’t need to hear your opinions about me because I don’t care about it. Okay?” Hindi pa rin sila nakasagot kaya tinalikuran ko na lang ulit. Dumiretso na ako sa cafeteria. I closed my eyes and tried to stop myself from thinking about those girls. I have heard worse, actually. Kung noon, naaapektuhan pa ako sa mga sinasabi nila, ngayon, hindi na. as I grow older, I realized that their opinions shouldn’t matter. Pero kasi minsan, kapag puno ka na, hindi mo rin mapipigilan na hindi magsalita. Ipinilig ko ang ulo ko para maialis na iyon sa utak ko. I continued walking until I reached the cafeteria. I took my handkerchief out and wiped the sweat on my forehead. Nakita ko na ang mga kaibigan ko kaya mabilis akong lumapit sa kanila. I sat down beside Jay Ann. Nakakunot ang noo nila na nakatingin sa akin. Sa harap kasi naming ay ang isa pa naming kaibigan na si Reena. Tinaasan ko sila ng kilay. “What?” tanong ko sa kanila. “Wow, napapa-english ka na ah,” ani Reena at tumawa. Tumawa din si Jay pero hindi ako sumabay sa kanila. Inabot ko na lang ang mango shake ni Jay at ininom iyon. Natigil tuloy siya sa pagtawa. “Ano ba, Sophia, bumili ka nga ng iyo,” ani Jay Ann at kinuha sa akin ang iniinom ko. “Damot,” reklamo ko pa at kumuha ng tissue para punasan ang labi ko. “Nakakairita kasi,” sabi ko pagkatapos kong maibaba ang tissue sa mesa. “Anong nakakairita?” tanong ni Jay Ann sabay inom sa mango shake niya. “Iyong mga chismosa dito sa atin,” sabi ko at inikot ang mga mata ko. Natawa silang dalawa. “Talagang nagugulat ka pa sa ganiyan? Matagal na kayang maraming nakakairitang chismosa ‘no,” ani naman ni Reena. Umiling ako. “Whatever,” sabi ko at tumayo. “Sasabay ako kay Leon maya-maya. Wala na din naman akong klase. Kayo ba?” tanong ko sa kanila at sabay din silang umiling. “Uuwi na din kami ni Reena,” ani Jay Ann. “Magco-commute lang kami. Huwag mo na kaming ayain. Ayaw naming na ma-witness ang sweetness niyo ng bago mo na naming boyfriend kahit ngayong araw lang,” Natawa ako. “Oh, sige na. Bibili na lang ako ng inumin. Ang damot mo kasi,” sabi ko sa kaniya. “Hintayin niyo akong dalawa dito. Sabay na tayong lumabas. Sa labas na lang kami magkikita ni Leon,” sabi ko at umalis na sa harap nila. I walked my way to the counter. Diretso lang ang tingin sa akin ng babae na nagbabantay doon. She doesn’t like me, I know. Well, newsflash, everyone does! And I don’t care. I rolled my eyes at her. “One chocolate banana shake, please,” I told her. Tinaasan pa niya ako ng kilay bago niya isinigaw ang order ko sa kitchen nila. I waited for her to tell me kung magkano ang babayaran ko. Kinuha ko na ang wallet ko at nang sinabi niya na kung magkano ay agad ko siyang inabutan ng pera. She scoffed as she received the money. Hindi na ako nagsalita. Alam ko na ang iniisip niya. Gaya lang din naman ‘yan ng iniisip ng iba. Totoo naman kaya hindi ko na dine-defend ang sarili ko. Nang iabot niya sa akin ang sukli ko ay agad ko iyong ibinalik sa loob ng wallet. Naghintay na lang ako sa gilid para hindi ko na balikan ang order ko mamaya. Mabilis lang naming gawin iyon. At hindi nga nagtagal ay natapos na. I was getting ready to get my order so that I could leave when a group of girls arrived at the counter. Nagulat ako pero pinigilan ko na magpakita ng emosyon. “Ito na ang order mo,” sabi ng babae sa counter. Bumaling ako sa kaniya at kinuha ko ang chocolate banana shake ko bago ko hinarap ang mga babaeng kararating lang. In front of me was Kelly, Leon’s ex-girlfriend. The girl whose boyfriend I just stole a week ago. I smiled at her pero nanlilisik lang ang mga mata niya. Hindi ko na sila pinansin ng mga kasama niya at tumalikod na lang sa kanila. But before I could even take a step, I heard her voice. “You b***h!” she said in gritted teeth. Hindi ko man kita na ganoon nga, pero ramdam ko sa kung paano siya magsalita. Umiling ako at hindi na sa sila papansinin ng may humigit sa buhok ko. “Harapin mo kami,” ani ng isang boses na hindi ko kilala at wala akong pakialam kung sino man iyon. I have accepted everything that they are throwing at me. All the hateful words towards me, it was all fine. Ang hindi ko mapapalampas ay kapag may humawak sa akin ni dulo ng buhok at kuko ko. I took a sip from my shake before I faced them. Apat sila, and they were all tall. But then, I am also tall kaya wala akong pakialam sa kanila kahit pa na they were all glaring at me. “Sino ang humigit sa buhok ko?” nakangiting tanong ko sa kanila. Iyong katabi ni Kelly ay lumapit sa akin. “Ako, bakit?” aniya nang nakataas pa rin ang kilay. How I want to laugh at her face. Pinipigilan ko sana pero hindi ko na talaga mapigilan. Nakawala ang tawa sa bibig ko. kumunot ang noo niya. “What’s funny?” the girl asked. Natatawang nagsalita ako. “I just fine it funny that you had the audacity to do that to me, pero ni hindi mo nga maayos ang make up mo. Iyan na nga lang ang ikinaganda mo, hindi mo pa ginawa ng maayos,” Nakita ko kung paano mamula ang pisngi niya sa sobrang galit. Akmang hahablutin na naman niya ang buhok ko ng itapon ko sa mukha niya ang shake na hawak ko. Kingina. Kakabili ko lang noon. Isang sip pa lang ang nagagawa ko doon. “Serves you right,” I told her before I took a step back. Nakita kong naka alam ko na na sasabunutan niya na talaga ako. “Let’s go!” Nagulat ako nang nasa tabi ko na sina Jay Ann at Reena. Hinigit na nila ako paalis doon. Natatawang sumunod naman ako sa kanila. At bago pa man kami makalabas ng cafeteria, narinig na namin ang sigaw noong babae na binuhusan ko. Tawang-tawa tuloy kami sa nangyari. “That was epic,” ani Jay Ann na sige pa rin sa pagtawa. Inabot niya sa akin ang shake niya. “Sa ‘yo na lang ‘yan,” aniya. “Sayang ‘yung binili mo. Napunta lang sa basura,” dugtong pa niya na mas lalo naming ikinatawa. Kinuha ko ang shake niya dahil nauuhaw na ako. Nanghihinayang din naman ako doon sa itinapon ko pero naisip ko din na worth it din naman ‘yon. At least, nakaganti ako. Natatawa pa rin kaming tatlo habang papalabas na kami ng gate. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tingnan kung may text message na si Leon. Sina Jay Ann at Reena ay natatawa pa rin at pinag-uusapan pa ang nangyari. I was about to dial Leon’s number nang may mabangga ako “Aw,” reklamo ko at sisigawan na sana ang bumunggo sa akin nang matigilan ako at mapatulala sa harap niya. “I’m sorry,” she said in an angelic voice. Hindi na ako nakasagot dahil umalis din siya agad. Narinig ko pang may tinawag siya sa likuran ko kaya nilingon ko din iyon. “Ang ganda nilang tingnan as a couple, ‘no?” ani Reena sa gilid ko. Hindi agad ako nakasagot . “Okay ka lang, Sophie?” tanong pa niya sa akin. Tumango na lang ako habang nakatingin pa rin sa dalawang tao na pareho ding tinitingnan ng mga kaibigan ko. “Ang ganda talaga ni Lily,” ani Jay Ann. “Ang pogi din ni Kian. Bagay na bagay silang dalawa,” Iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumango ako sa mga sinabi nila. “Oo nga,” iyon lang ang naging komento ko. I felt sad because I have long wanted to have what they have… a long and stable relationship. But with the reputation I have, matagal na din na binitawan ko ang pangarap kong iyon. Alam ko na hindi ko na maabot pa iyon. Nilingon ko ulit sila. They were already hugging each other. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa kanila at makikita mo na tinitingala talaga silang dalawa pati na din ang relasyon nila. My eyes slightly widened when I met Kian’s eyes. Napakurap pa ako pero ni hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Siya ang naunang bumitaw. He looked down at his girlfriend and smiled at her before he placed a kiss on her forehead. Doon na ako nag-iwas ng tingin at dumiretso na lang palabas ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD