"Faith, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makita ko siya na nasa bakuran ng bahay nila Mike paglabas ko ng bahay matapos naming mag-usap ni Kuya. "U-Ugh, hinihintay ko kasi si Mike, may kinuha yata sa loob." Tanghali na nga akong gumising, ito pa bubungad sa `kin? Ang malanding anghel na ‘to? Tsk. Ilang linggo na akong hindi mapakali dahil sa mga pinagsasabi sa `kin ni Gerald no'ng nakipagkita siya sa `kin. Hindi na rin ako nilulubayan ng kate-text. Halos hindi ko na nga rin nakakausap si Mike dahil iniiwasan ko sila ni Faith. Iniiwasan kong paghiwalayin sila pero pakiramdam ko, tadhana na ang naglalapit sa`min para mapaghiwalay ko silang dalawa. Nakita ko na lumabas si Mike na may dalang pagkain na nakalagay sa tray. "Yo, Gabby," bati niya sa `kin at umupo sa harap ni

