Lunes na ngayon, pumasok pa rin ako. Wala lang. Napaka-boring kaya do'n sa bahay. No'ng sabado ko naamin kay Mike ang lahat, kahit alam kong tulog siya. Kahit alam kong hindi niya ako maririnig, at least, nakaamin ako. Kahapon, Linggo. Ang mga walang hiya, nag-inuman sa harap ko. Ni isang bote, hindi man lang ipinatikim sa `kin. Humanda sila sa Tippler’s Revenge. Nasa akin ang huling halakhak. Bwahaha! Medyo nakakalakad na ako ng maayos. S'yempre, ako pa. Ako yata si The Unbeatable Gabriella Manlapaz. Hindi ako basta-basta napapataob `no. Tsaka matapang kaya ako. Malakas ako `no! Inaalalayan lang ako ni Mike sa paglalakad dahil sa saksak ko sa kanang binti ko. Hawak niya `yong braso ko. Medyo alalay. Nang makarating kaming dalawa ni Mike sa classroom, agad akong sinalubong ng mga puto

