Hapon na, nakabulagta pa rin ako dito sa sofa habang naglalaro ng Tekken. Hindi na ako nananalo kasi naman, kung ano-ano kasi sinabi sa `kin ni Kuya tsaka ni Tatay eh, nawalan tuloy ako ng focus sa paglalaro. Mga hunyetang `yon. Ilang beses na akong natatalo, ah? Ilang minuto ang nakaraan nang may pumasok sa bahay, napalingon ako dito. "Oh, Yves, napadalaw ka yata?" tanong ko tsaka nilubayan ang paglalaro ng Tekken. Inilagay ko sa table `yong PSP ko. Umupo siya sa sofa na single. "S'yempre, balita ko na-ospital ka daw. Buti nakalabas ka kaagad, ano'ng nangyari?" tanong niya sa `kin. "Wala naman, nagpaka-superhero lang ako sa kawawang babaeng hino-holdap," Ginulo niya lang `yong buhok ko. "`Wag mo nang uulitin `yon, ah? Sana nga, dito na lang din ako nakatira sa village niyo para mad

