"Gabby, matulog ka na. Gumising ka nang maaga bukas at may bisita tayo," sabi sa akin ng pogi kong tatay.
"Oo na, Tatay. Paulit-ulit," sagot ko habang papasok sa kwarto.
Ilang saglit pa ay may naramdaman akong masakit na tumama sa likod ng ulo ko.
"Aray!"
Binato ako ng Kuya ko ng unan na maliit ng sofa namin! Ang bigat pa naman ng unan na 'yon!
"Ikaw talaga! Anim na taon ka pa lang, sinasagot sagot mo na si Tatay! Eh kung ingudngod kaya kita dyan?" sabi sa akin ni Kuya.
Napanguso ako.
"Oo na. Matutulog na. Night, po." sabi ko sa kanila at pumasok sa loob ng kwarto.
---
Kinabukasan, pagkagising ko, lumabas na ako ng kwarto. Hindi na ako nag-atubili pang tumingin sa salamin, magsuklay, maghilamos man lang o mag-ayos ng sarili. Sanay na naman na sila na pagkagising ko, didiretso ako sa sala at mahihigang muli tsaka magmumuni-muni.
Hindi pa man din ako nakakarating sa sala, nagulat na ako.
"Ahh! May impakta! Ahh! May mangkukulam! Ahh!!! Mangkukulam! Aaahh!!!"
"Ahh! Kapre! Ahh!!!"
Pati ako ay napasigaw na rin nang marinig kong may sumigaw na lalaki na kasing-edad ko lang siguro o mas matanda sa akin ng isang taon.
"Wahahaha!" tawa ni Kuya, Tatay at ng kasama pa nilang babae at lalaki na sa tingin ko ay kasing-edad ni Tatay, at isa pang lalaki na sa tingin ko rin ay kasing-edad ni Kuya.
"Wahaha! Mukha ka kasing mangkukulam, Gabby! Wahaha!"
Pinagtawanan ako nang pinagtawanan ni Kuya Greg dahil dito sa batang kapre na 'to! Tumingin ako sa batang lalaki na sumigaw at nakatakip ang bibig niya habang naniningkit ang mga mata na para bang pinipigilan ang pagtawa. Sa sobrang inis ko...
"Hiyaaaahh!!!" sigaw ko sabay sipa sa putotoy niya.
"Aah!!! Mama, ang sakit!!!" iyak ng bata habang nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.
Tss! Buti nga sa kan'ya!
Agad naman siyang dinaluhan ni Kuya, Tatay, Mama daw niya, Papa niya yata at 'yung isa na mukhang Kuya niya. Ako naman ngayon ang tawa nang tawa.
"Wahahahahaha!!!" tawa ko.
"Gabriella Manlapaz!!!" sigaw ni Tatay habang nanlilisik ang tingin sa akin.
"Tay?" sagot ko naman na parang walang nangyari.
"Akin na ang PSP mo!" maawtoridad niyang sabi.
Uh-oh.
**
Matapos kong alalahanin 'yon habang kumakain kami sa cafeteria ay hindi ko napigilan ang tawa ko.
"Anong tinatawa tawa mo d'yan, Gab?" tanong sa 'kin ni Mike.
"Wala kang pakialam." sagot ko sabay irap sa kanya at tumawa ulit.
"Para kang baliw! Siguro naalala mo na naman 'yun, 'no?" tanong niya sabay subo ng kutsara na punong-puno ng pagkain.
"Oo. Bakit? Hindi ko kasi makalimutan 'yung itsura mo noong sinipa ko 'yung ano mo, eh. Grabe sa iyak!" natatawang sabi ko.
Kinuha niya ang sumbrero na suot ko tsaka inihampas sa ulo ko.
"Aray!"
"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit 'yon?! Hindi mo ba alam na muntik na akong mabaog dahil sa ginawa mong 'yon? Paano kung hindi ako magkaanak kapag nag-asawa ako?! Kung sakaling nabaog ako noon, ikaw ang magbabayad ng kasalanan mong 'yon at ikaw ang aasawahin ko," he laughed.
Sinapak ko siya sa sinabi niyang 'yon.
"Tarantado ka talagang Mike Ezekiel Fajardo ka! Bastos!"
Tinawanan niya lang ako bago siya kumain nang kumain.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami ng bastos na 'to! Sampong taon na kaming magkasama, at simula yata noong mag-high school kami ay naging gan'yan siya!
Sobrang babaero pa! Akala mo naman ay ang guwapo-guwapo!
"Hoy, Gabby! Kailan mo balak manligaw?" biglang tanong niya sa akin.
Sinapak ko ulit siya sa sinabi niyang 'yon.
"Aray! Nakakarami ka na ha! Mamaya, halikan kita d'yan eh!"
Psh. As if, magagawa niya. Inirapan ko lang siya.
"Gago ka ba, Mike? Babae ako! Hindi ako lalaki!" bulyaw ko sa kanya. "Bakit ako manliligaw ha?!"
"Weh? Mas mukha ka pang lalaki sa akin! Tingnan mo, simulan natin sa paa."
Tumingin siya sa mukha ko na para bang ine-examine ako. Sinapak ko ulit siya sa pangatlong beses dahil sa kalokohan niya.
Akala mo talaga, uubra siya sa akin eh!
"Aruy ku pu!"
Nagmukha siyang tuta na nakakaawa dahil sa inakto niyang 'yon. Natatawa ako sa itsura niya pero pinipigilan ko na lang.
"Tumino ka kasi!"
"Okay. Tumayo ka."
Tumayo naman ako at in-examine ang paa ko.
"Ang paa mo ay size 8. Naka-rubber shoes na Vans ang tatak—kulay itim pa."
Tama!
"Ang binti mo ay malaki."
Binatukan ko siya sa panglalait niyang 'yon.
"Aray! Totoo naman eh!"
"'Wag mo na kasing sabihin 'yon!"
"Sige na, sige na! Tapos..."
Paangat nang paangat 'yung tingin niya sa akin.
"Talikod ka sandali." tumalikod naman ako habang nakapamewang. "Malaki ang balakang. Maliit ang bewang. Katawang babae, putspa! Harap ka na ulit."
Tulad ng sinabi niya ay humarap ulit ako sa kan'ya.
"Ay, talikod ka na ulit. Mas okay 'yon."
Sinapak ko ulit siya sa kagaguhan niya. NAMUMURO KA NANG KAPRE KA HA, PAKYU!
"Isa pang sapak mo sa akin, kahit gaano ka kapangit, hahalikan na kita!"
Aamba na sana akong sasapakin siya nang magsalita siyang muli.
"Sige. Ituloy mo lang!"
Biglang umurong 'yung kamay ko. Pinagsabihan ba naman ako ng pangit! Punyemas na 'to!
"Bilisan mo na kasi!"
Ngumisi siya bago magsalita.
"Flat-chested." sabi niya habang nakatingin sa...
Hinampas ko siya nang malakas nang mapagtanto kung saan siya nakatingin.
"Aray ha!"
"Bastos!"
"Tss! Dine-describe ka lang! Masama bang magsabi ng totoo?! Eto pa. Makinis naman 'yung balat mo," sabi niya habang nakatingin sa braso ko. Tumingin siya sa leeg ko. "Maganda din ang leeg mo. Walang libag." sabay tawa.
Hanggang mamaya, ibabalibag ko na 'to sa Antartika nang makasama na niya 'yung mga kamag-anak niya doon na Penguin!
"Hindi ka mataba. Med'yo mapayat ka. Hindi ka rin maitim. Mejo maputi ka. Tapos..." tiningnan niya 'yung mukha ko, at yung likod ng ulo ko. "Walang hikaw, nakatali na parang ensaymada ang buhok at naka-sumbrero nang pabaliktad."
Tama!
Tumingin naman siya sa mukha ko.
"Hindi malapad ang noo mo. Kulay brown ang mata mo. Wala kang tigyawat sa kahit saang parte ng mukha mo. Matangos din ang ilong mo, at makinis ang pisngi mo. Ngiti ka nga."
Ngumiti ako tulad ng sinabi niya.
"Malinis, maputi at pantay-pantay naman ang ngipin mo." tapos tumigil siya at lumunok ng ilang beses. Nakatingin siya sa labi ko.
Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Kinagat ko na lang ito upang mapigilan ang pagnginig ng labi ko dahil sa ilang na nararamdaman. Nakita kong lumunok ulit siya.
At lumunok ulit.
At lumunok ulit.
At nagsalitang muli.
"H-Huwag mong kagatin labi mo." Nakaiwas ang tingin na sabi niya.
Tinanggal ko na ang pagkakakagat sa labi ko at umiwas na lang din ng tingin sa kan'ya.
"Y-Yung labi mo, m-manipis, m-mapula. Tapos, w-wala kang bahid ng kahit na anong make up, polbo, lipstick o kung ano pa man sa mukha."
Ngumiti ako sa kanya at inaantay ang total ng pag e-examine niya sa akin pati ang rate niya sa akin between 1-10.
"All-in-all, ang pangit mo at mas mukha ka pang lalaki sa akin. Ang rating mo naman at 4. Mag ayos-ayos ka nga!" sabi niya sabay balik sa pagkain ng lunch niya.
Sinapak-sapak ko siya at sinabunutan dahil sa buwisit na rating at judgment na yan! Ang kapal ng mukha!!!
"Aray!!! Mangkukulam, masakit!!!"
"Matapos kong marinig lahat ng papuri na lumabas sa bibig mo, ang sasabihin mo lang ang, pangit ko at mag-ayos ako?!" sabi ko matapos ko siyang sapakin at sabunutan, tsaka ihampas ang dalawang kamao ko sa table na kinakainan namin. Nakatingin tuloy sa amin lahat ng tao dito sa canteen.
"Talaga naman kasi eh! Yung uniform mo, maluwag sa 'yo! Naka-sumbrero ka nang pabaliktad! Tapos naka-rubber shoes na Vans na itim ka pa, samantalang ako, converse lang suot ko! Mas mukha ka pang lalaki sakin eh! Nakakarami ka na ha! Isa na lang talaga, hahalikan na kita!" pagbabanta niya.
Umayos ako ng upo at pinag-patuloy ang pagkain. Nanahimik kaming pareho ng ilang minuto.
"Pero flat chested ka talaga." biglang hirit niya habang hindi nakatingin sa akin kundi sa pagkain niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong sapakin siya. BINGO KA NA TALAGA SA AKIN, PUNYETA KA.
"Aray ha! Sorry sa gagawin ko. Binalaan na kita eh." sabi niya sabay tayo at hinila ang likod ng ulo ko at...hinalikan ako!!!