Matapos kong marinig `yon, nabitawan ko `yong hawak kong plato at tumapon lahat ng barbecue na laman nito. Nataranta ako nang lumingon siya kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung ano na lang ang unang pumasok sa isip ko, `yon na lang ginawa ko. "Ay, bwisit na mga daga `yan, paharang-harang sa daan. Paksyet," sabi ko habang pinupulot isa-isa `yong mga piraso ng nabasag na plato at `yong tumapon na barbecue. Itinago ko na lang sa likod ko `yong regalo ko dapat sa kanya. Tumulong naman sa `kin si Mike sa pagpulot kaya lalo akong nataranta. Medyo humigpit ang pagkakahawak ko sa isang bubog kaya naman nahiwa ako. "Ouch!" Agad naman niyang kinuha ang daliri ko at tiningnan. Napaiyak na lang ako. Bakit nga ba ako umiiyak? Dahil ba nasugatan ako? Pero sa pakikipag-away, hindi naman ako um

