"Hoy! Gumising ka na d`yan, 12:00am na. Pasko na." Natutulog pa ako ay may naririnig na akong mga pamilyar na boses. "Gumising ka na, buksan mo na ang mga regalo namin sa`yo." Teka, si Kuya ba 'to? "Anak, gumising ka na may surprise kami sa`yo," masayang sabi ni Tatay. "Mangkukulam... Gising..." sigaw ng pinaka-panget na nilalang sa `kin. "Magsi-layas kayo! Mga istorbo kayo sa pagtulog," sigaw ko sa kanila tapos ay nagtalukbong na lang ulit ako ng kumot. "Anak, pasko na oh? Ang daming pagkain sa baba, bumangon ka na d`yan. Buksan mo na rin `yong regalo namin para sa`yo," sabi ni Tatay. "Brad, inaantok pa ako. Bukas na lang `yan," sagot ko habang nakatalukbong pa ng kumot. "Hindi pwede, bumangon ka na d`yan. Sige na, mag-hihintay kami sa baba." "Sige, `tol, bababa na kami ha?" sabi

