“P’re, ako naman." Napalingon kaming dalawa sa nagsalita sa gilid. Si Mike… Ngumiti sa kanya si Nikko. Ibinigay naman niya ang kamay ko kay Mike. Isinayaw niya ako and at the same time, sinimangutan. "Kanina pa kita hinahanap. Nakikipag-sayaw ka na pala sa iba," sabi niya. "Iniwan niyo kasi ako ni Aubrey do'n mag-isa sa table. Tapos, ayun, lumapit sa `kin si Nikko at inaya ako mag-sayaw. Tumanggi ako. Pero tinawag niya ako sa pangalan ko. Tapos ayun, hin--" "No, no. Huwag ka nang magpaliwanag. Ikaw naman, Gab. Di naman kita pinag-eexplain eh," pinutol niya na ako. "Hmm…" sabi ko na lang. Ngumiti siya sa `kin. Pero `yong ngiting nakita ko, iba. Malungkot. "Ang ganda-ganda mo talaga ngayon, Gab. Ang ganda-ganda mo. Dalagang-dalaga ka na pala. Di ko pa namalayan, samantala sampung tao

