"Uhm . . . Gab, pwede ko bang hingin `yong number ng kaibigan mo?" bungad sa `kin ni Yves pagka-pasok niya sa bahay at nakita niyang nakahiga ako sa sofa at nagbabasa ng w*****d sa tablet ko. Napalingon naman ako sa kanya at nakitang nakaupo siya sa single couch. "Sino'ng kaibigan ba? Si Faith?" Obviously, hindi ko alam. "Hindi, `yong maingay." Natawa naman ako sa sinabi niya. Totoo, maingay talaga `yong Aubrey na `yon. "Ah, si Aubrey. Bakit mo hinihingi number nang taklesang babae na `yon?" natatawa-tawa kong sabi. Ngumiti naman siya sa `kin. "Makikipagkaibigan?" nakahawak sa batok na sabi niya. Ang kyot lang ng tae na `to. "Utot mo. Makikipag-kaibigan your ass!" Natawa siya sa sinabi ko. Alam niya kasing hindi totoo `yung sinagot niya sa `kin. "Tsk, sige na kasi." Tiningnan ko siya

