Nandito na kami sa loob ng mumurahin village na kinatitirikan ng bahay namin. Kasabay ko parin na naglalakad ngayon si Nikko. Can you imagine? 9PM na. Tiningnan ko nga kanina yung cellphone ko, kadaming tawag at texts galing kay Kuya, Tatay at ang pinakamarami ay... Tentenenen~ Kay Mike. Hahaha. Kikiligin na sana ako ng makita ko lahat yun eh. Nakalimutan ko, hindi nga pala ako ang gusto non. Hanggang bestfriend lang naman ako eh. Forever and Ever. Hhaayy. At alam nyo ba yung tinanong sakin ni Nikko na yun? Yung pwede daw bang manligaw? Err. Napasubo yata ako. Mukhang seryoso siya eh. Tsk. Ganito kasi yun... ** "P-Pwede ba kitang ligawan, Gabriella?" inulit niya ulit yung tanong niya. At ako? Eto. Laglag panga habang nanlalaki ang mata sa sinabi niya. Speechless. Hindi ko alam kung

