Oh no! Pasukan na naman. Ayoko pa, tinatamad pa ako. "Hoy, Mangkukulam! Faster! Faster! Bagal mong maglakad, kakaladkarin kita d`yan eh." Kita mo `tong kapre na `to, napaka-bwisit. Paepal amfufu, nag-eemote ako eh. “Tsk! Tinatamad pa kasi ako." "Sino ba hindi? Haaay," sabi niya tapos bumuntong-hininga at binagsak ang dalawang balikat. Natawa ako doon. Ipinatong niya `yong braso niya sa balikat ko, naglalakad na kami ngayon sa hallway ng school namin. “Ako nga rin, eh. Bitin `yung bakasyon.” I agree, super. “Kapre, saan ka magco-college?" tanong ko. "Hmm, `di ko pa alam eh. Ikaw ba?" tanong niya pabalik sa `kin. "Tsk. ‘Di na ako mag-aaral, tinatamad na ako," sabi ko nang seryoso, pero nagjo-joke lang ako. Maya-maya lang, binatukan niya na ako. “Aray!" "Gago ka ba? Hindi! Mag-aaral

