Unti-unti akong lumapit sa kanila. Pero hindi `yung malapit na malapit. Mga isang metro pa ang layo namin sa isa't-isa. "F-Faith..." tawag ko sa kanya. Agad naman silang naghiwalay sa pagkaka-yakap nang marinig nila ako. Tumingin sila sa `kin at ngumiti. "G-Gab. K-Kanina ka pa ba d`yan?" nakangiting sabi sa `kin ni Faith. Nakita ko `yong guilt sa mata niya. Pero sa mata ni Mike, hindi ko mabasa. Bakit? Ano bang nangyayari dito? Pero kahit gaano ako ka-curious sa kanila, nagpanggap na lang ako na wala lang `tong nararamdaman ko, na hindi ako naguguluhan ngayon. Tutal, dito naman ako magaling eh, sa pagpapanggap. Ngumiti ako sa kanila. "Ha? Hindi, kadarating ko lang. Sinabi kasi sa `kin ni Kuya nandito daw kayo. So, tara na sa loob, Faith? Mike?" tawag ko sa kanila. Bakit ganun? Parang

