"Tumayo ka nga d`yan, para kang tanga. Ano bang ginagawa mo, Mike? Ano bang nangyayari sa`yo?" sabi ko habang panay ang pagtulo ng luha ko. "Gusto ko nang makita ang totoong best friend ko. Gusto ko na siyang makita at makasama. Miss na miss ko na siya. Please, bumalik ka na sa dati." "Mike naman, eh! Ayoko pa," reklamo ko habang umiiyak. "Hindi ako tatayo dito hangga't di ka umooo." seryosong sabi niya. Lalo akong naiyak sa pagmamatigas niya. "Tumayo ka na d`yan, please…" Tumingala siya at tumingin sa `kin. "Please, bumalik ka na. Ibalik mo na ang mangkukulam ko. Ibalik mo na ang prinsesa ko. Ibalik mo na ang best friend ko." "Mike, bakit mo ba ginagawa sa `kin 'to?" sabi ko habang humahagulgol. "Gab, ako rin. Bakit mo ginagawa sa `kin 'to? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Ano

