Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Gerald, bumalik na ako sa sasakyan. "Kamusta?" tanong ni Kuya. "Ayon, malungkot." Bumuntong-hininga siya. "Ewan ko ba sa`yo, Gab. Lalayo ka pa kahit alam mo naman na pwede namang hindi. Pwede ka naman dito. Tutulungan ka naman namin eh," sabi niya habang nakatingin sa daan pero hindi pa niya pinapaandar ‘to. "Sorry, Kuya. Ayoko nang humingi pa ng tulong sa iba. Gusto kong tulungan ang sarili kong makabangon ulit nang hindi humihingi ng tulong sa inyo. Tutal, ako naman ang nag-umpisa ng lahat ng gulo na ito, ‘di ba?" paliwanag ko sa kanya. Bumuntong-hininga ulit siya. "So, saan na tayo?" tanong niya. "Wait lang." Tatawagan ko muna si Aubrey at Yves. Sasabihin kong magkita kami. "Hello, Kutong Lupa!" sabi ko nang sinagot na ni Aubrey 'yung tawag. Na

