"Ay, kabayong nakatuwad! Aaahhh!!! Magnanakaw!!! Ahhh!!!" Nagulat ako nang may nagsalita sa bintana ko. Magnanakaw! Basag nga pala bintana ko! Napahinto ako sa kakasigaw ng tumawa 'yung magnanakaw. Lumapit ako at tiningnan ko kung sino yung lapastangan na magnanakaw na nasa bintana ko at pinagtatawanan ako. Nang makita ko kung sino 'yun, parang gusto ko na lang siyang ihulog sa bintana dahil sa kagaguhan nito. Bakit nga ba hindi na ako nasanay? "Mike Ezekiel Fajardo!!!Anong ginagawa mo dyan?!" sigaw ko sa kanya dahilan para tumigil siya sa pagtawa. "Brad ! Nasaan yung-" "Dude! Nasaan yung magna-" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Kuya at Tatay na may dalang baseball bat, arnis, tsaka walis at dustpan. Kaso nakatitig sila sakin na para bang nakakita ng multo. "Oh, bakit?" t

