"Yves!!!" sabay naming sigaw ni Mike bago namin dambahin si Yves na dahilan para mapahiga siya sa sahig. "Arouch ! Aray, pre! Layas! Ang sakit!" reklamo niya habang iniinda ang sakit ng likod niya. "Hoy, Yves! Kailan ka pa bumalik? Asan na 'yung pasalubong namin? 'Yung Vans na pinapabili ko sayo, size 8, nabili mo ba?" tanong ko sa kanya. Pero tinitigan lang niya ako. "Naging babae ka yata ngayon?" biglang sabi ni Yves. Napatayo ako at tinadyakan siya habang nakaupo sa sahig sa harap ng bahay namin kasabay ng malakas na pagtawa ni Mike. "Gago. Matagal na akong babae. Gulpihin kita d'yan eh." Sabi ko. "Akin na nga 'yan!" sabi ko kay Mike patungkol sa sumbrero ko na suot niya. Ibinigay naman niya sakin 'to at isinoot ko naman. "Tara muna sa loob." Pag-anyaya ko sa kanila. Pagkapasok k

